Episode 4 - Part-time-job

1561 Words
Sinubukan niyang inikot ang door knob at hindi ito naka-lock kaya maingat niya itong binuksan at sinilip ang dalaga. Napangiti si Lorence, nang makita niya itong mahimbing ang tulog. Hindi na niya ini-istorbo si Monica at nag-iwan na lang siya nang isang maliit na note. Gabi na nang magising ang dalaga at agad niyang kinuha ang kaniyang mumurahing phone at tiningnan niya ang oras. "Ngek! Mag-alas-otso na pala?" bulalas niyang tanong na mag-isa Dali-dali siyang bumagon at lumabas ng kuwarto at nakita niya ang isang maliit na papel. "Niq, masarap ang tulog mo kaya hindi na kita ginising. Ingat ka at always lock the door. Lorence." Ito ang laman sa maikling note. "Hmmm... sweet naman ng best friend ko," nakangiting bulong niya. HABANG hindi pa nagsimula ang pasukan ay sinimulan ni Monica, ang maghanap ng part-time-job. At sa newspaper siya naghanap ng trabahong puwede niyang mapasukan. "WANTED - part-time-cleaner, condo type." Binasa ni Monica ang nakalathala sa ads. Nakita rin niya ang andres at contact number at agad niya itong tinawagan. "Hello?" Lalaki ang nasa kabilang linya. Pakiramdam ni Monica ay mabait ang lalaki, ngunit siniguro muna niya kung ito ba ay totoo at hindi scammer. "Hello! Hello!" Medyo nagalit ito dahil hindi agad siya nagsasalita. "H-hello, si Mr. Alvin Angelo Pilotos po ba ito?" kinabahang tanong ni Monica. "Yes! Bakit?!" "Ahhh... hmmm... sir, naghahanap kasi ako ng part-time-job at nakita ko kasi sa classifieds ads, na naghahanap kayo ng cleaner. Baka puwede po akong mag-apply." "Okay. Come to my condo this afternoon at four o'clock. For your interview. Huwag mong kalimutan na magdala nang; Police Clearance, NBI Clearance, Medical Clearance." "Hmmm... wait po, sir. Wala pa po akong requirements sa ngayon. Kararating ko pa lang kasi dito sa Maynila." "I'm very sorry, maghanap ka na lang sa iba!" "Pe— Bastos!" Inis ang naramdaman ni Monica, matapos siyang p*****n ng tawag. "Bahala na, pero susubukan ko pa ring magpunta mamaya. Baka puwedeng mapakiusapan na saka ko na lang ibigay ang requirements," sabi niyang mag-isa. DAHIL pang-umaga na ang duty ni Lorence, ay hindi na siya nakapag paalam. Subalit sinubukan niya itong tawagan ngunit walang sumagot. Kaya nag-iwan na lang siya ng note at inilagay niya ito sa ibabaw ng lamesa. Alas-tres pa lang ay umalis na si Monica, at bitbit niya ang andres ni Alvin Angelo. Upang hindi mahihirapan ay sumakay siya ng taxi at nagpahatid sa naturang lugar. "Manong, ito po ang address." At inabot niya ang ginupit na classified ads. "Patingin!" turan ng driver at binasa niya ito. 'Victoria De Malate Located at Angel Linao St. Cor. President Quirino St. Malate Manila' Nang matapos basahin ng tsuper ang nakalagay na address ay muli niya itong ibinalik sa kaniya. "Bago ka ba dito sa lungsod ng Maynila, Neng?" "Opo, Manong." "Naku! Mag-iingat ka at huwag basta-basta magtitiwala. Dahil sa panahon ngayon ay marami ang manloloko." "Opo! Salamat sa concern mo, Manong. Mag-aaral kasi ako dito for the meantime ay naghahanap ako ng part-time-job. Upang matustusan ko ang aking pag-aaral." "Ang sipag mo naman. Saan ka ba mag-aaral?" "Sa Philippines Women's University, Manong." "Ay, tamang-tama at malapit lang dito ang address na iyan!" "Talaga po?!" masaya niyang tugon. "Oo, mga dalawang minuto lang siguro, at puwede mo lang lalakarin." "Sana lang ay pumasa ako sa interview para hindi na ako mahihirapan kung sakali." "Galingan mo lang sa pagsagot at magpakatotoo ka lang." "Opo!" Hanggang sa dumating sila sa naturang address at huminto ang driver sa harapan ng malaking gate. "Neng, hihintayin ba kita?" "Huwag na, Manong. Salamat po, ha." "Walang anuman, kung sakaling kailangan mo ng taxi ito ang contact number ko." At inabot sa kaniya ang calling card. "Sige po, Manong. Maraming salamat po talaga!" Matapos niyang mabayaran ang tsuper ay umalis na ito. Siya naman ay lumapit sa guwardiya at sinabi nito ang kaniyang pakay. "Sandali lang, at tatawagan ko muna si Mr. Pilotos." "Sige po at maghihintay ako." Agad tumawag ang guwardiya. "Sir, magandang hapon. May magandang babae po dito sa labas, interview raw niya ngayon," anang guwardiya. "Tanungin mo kung dala ba niya ang requirements," utos sa kabilang linya. "Sige po, sir. Ma'am, dala mo ba raw ang requirements?" tanong niya sa dalaga at narinig iyon ni Alvin Angelo. "Puwede ako ang kumausap?" "Sige po," turan ng guwardiya at inabot niya ang telepono. "Sir, puwede po bang diyan na lang ako mag-explain? Please, sir, give me a chance to explain. I swear, I'm not a bad person." Bahagyang tumahimik ang nasa kabilang linya na tila nag-iisip pa ito. "Okay. Pumunta ka dito," tugon ng lalaki sa kabilang linya. "Maraming salamat, sir!" Dali-dali niyang ibinalik sa guwardiya ang telepono. Dahil nag-alala siya na baka bigla pang magbago ang isip nito. Naglakad si Monica patungo sa malaking gusali at sumakay siya ng elevator papuntang 15th floor. Nang nasa tapat na siya ng pinto at agad itong nag-doorbell. "Come-in! And close the door!" seryosong utos ng lalaki. Medyo kinabahan si Monica, nang matanto niyang nag-iisa lang yata ang lalaki. Sinunod niya ang utos nito at maingat niyang isinara ang pinto. "Sit down!" Itinuro ni Alvin ang kaniyang uupuan. "Thank you, sir." "Introduce yourself!" utos ng lalaki at tinitigan siyang mabuti. "I'm Monica Aquino, twenty-two years old. I am from Carolina Naga Camarines Sur. Dati po akong saleslady ng Vista Mall, sa loob ng dalawang taon. Nag-iisa po akong anak at ako ang bumubuhay sa aking mga magulang. Lumuwas ako dito sa Maynila, upang mag-aral and for the meantime naghanap ng part-time-job. Para matustusan ko ang aking pag-aaral at makapagpadala nang konti sa aking mga magulang," taas-noo niyang tugon sa lalaki. Para namang nakaramdam ng sobrang awa si Alvin Angelo sa kaniya. Nakita naman niyang nagsasabi ito ng totoo. "Saan ka tumuloy dito?" "Sa aking kababata po, sir. Dito kasi siya nagtatrabaho sa Maynila. About po sa requirements, sir. Baka puwedeng next-week na lang. Pangako, kukuha po talaga ako." "No need. Show me your I.D." "Okay po, sir." Dali-dali niyang kinuha ang kaniyang wallet at ang lalaki ay nakamasid lang sa kaniya. Nakita ni Alvin, ang picture na laman ng kaniyang wallet. Siya at ang kaniyang mga magulang. "Ito po, sir." "Thank you, and you're hired!" seryoso nitong sabi "Talaga po, sir?! Thank you po!" Halos tumalon si Monica sa sobrang saya. "Anong oras ang puntan mo dito?" tanong ng lalaki. "Okay lang po ba kung alas-sais hanggang alas- nuwebe? Alas-singko kasi ang end ng klases ko." "Okay, pero kailangang matapos mo ang gawain dito." "Yes, sir! Wala pong problema." "Okay ba sa iyo na fifty pesos per hour?" "Yes, sir! Okay na okay po sa akin iyan!" tugon niya, at nakangiti ito. NAPAISIP si Monica, kung sakaling magtatrabaho siya nang buong araw kapag Sabado at Linggo. "Ahhh... sir, paano pala kung magtrabaho ako nang whole-day kapag araw ng Sabado at Linggo." "Puwede rin naman. Per hour pa rin at puwede ka sa opisina ko magtrabaho. Pero kailangan nandito kana bago mag-alas-siyete." "Okay, sir. Kailan po ako magsisimula?" "Kung gusto mo ngayon na, para hindi masayang ang pamasahe mo." "Ahhh... sige po, sir. Magsisimula na ako. Salamat po talaga, sir!" "Welcome! About your salary, every Saturday ko ibibigay." Pahabol ng kaniyang amo bago ito pasok ng kuwarto. "Okay po, sir..." nakangiti niyang tugon. Hindi maintindihan ni Monica ang kaniyang sarili, pakiramdam niya ay magaan ang kaniyang loob para sa lalaki. Humahanga rin siya dito sapagkat mabait ito at guwapo pa. Kahit sinong babae ay puwedeng magkagusto sa kaniya. Sa tanto ni Monica ay nasa twenty-seven ang edad ng lalaki. Tingin rin niya ay binata pa ito dahil wala namang mga larawan sa loob na mayroon siyang kasamang babae. Nagsimula siya sa pagtatrabaho at medyo makalat ang loob ng unit. Ngunit naintindihan niya iyon dahil lalaki ang nakatira. Kompleto ang kagamitan ng kaniyang unit na halos lahat ay di-kuryente kaya hindi siya nahihirapan. Banda alas-singko ay lumabas ang kaniyang amo at nakabihis na ito. Pormang pang opisina talaga at hindi maiwasang mapatitig si Monica sa lalaki. Sapagkat napakaguwapong tingnan niya sa suot nitong kulay pink na 'Long Sleeve Polo'. At nakabukas ang butones sa kaniyang dibdib. "Monica, aalis na ako at ikaw na ang bahala dito. Ito pala ang duplicate ng mga susi and make sure na pag-alis mo ay naka-lock ang aking kuwarto at ang malaking pinto." "Yes, sir. Hindi ko po iyan kalilimutan. Ingat po kayo, sir." "Thank you! Any way, mayroon ka bang pamasahe?" "Yes, mayroon po, sir." "Okay. Maraming pagkain diyan sa refrigerator, kung sakaling gutumin ka ay kumain ka lang diyan." "Sige po, sir. Salamat!" nakangiti niyang tugon. Nang makaalis ang lalaki ay agad na siyang pumasok sa kuwarto ng amo. Upang simulan niya ang paglilinis sa buong paligid. Nakita niya ang nag-iisang picture frame at bata pa lang ang kaniyang amo. Sa tanto niya ay limang taong gulang pa lang ito at kasama niya ang kaniyang mga magulang. Napatingin siya sa mukha ng babae at bigla siyang nakaramdam ng awa. "Ang ganda naman niya," she whispered. Kinuha niya ang picture frame at hinahaplos niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD