"Congratulations!" Halos mapugto 'yung hininga ko sa pagkakayakap sa'kin ni Phillip. "Thank you," I still manage to say. Some things change, some don't. Kasali na 'yung pagiging claustrophobic ko sa mga sakal na yakap ang hindi pa rin nagbabago. "Umiral na naman pagiging OC mo. Sabi ko, 'wag mo muna iligpit 'yung mga libro. Nakaayos na agad pagbalik ko, e, bumili lang ako sandali." Worse than my claustrophobia is the puny OC behavior I unintentionally develop in myself. Feeling ko, laging marumi ang mga kamay ko so I wash them like twenty times a day. 'Yung pagsusuklay ko, kailangan nasa one hundred strokes every night. And my routine of checking the doors from time to time is pretty much annoying, too, according to Phillip. Alam ko, naguguluhan kayo. But it's been four years mula no'

