Mabilis lang ang mga araw kapag may ginagawa ka to distract yourself. Sa dami ng inaasikaso ko, medyo nawawaglit na sa isip ko lahat ng iniiyakan ko. "Two weeks ako sa Singapore then I'll be in Japan for two more weeks. After that, I don't know what's next yet but I'll make myself busy." Ngumiti ako kay Kitkat. "That's good news. Basta mag-iingat ka. Okay? Chat tayo," sabi ko. Tae. Five days pa lang mula no'ng unang beses akong lumabas ng bahay kasama si Cash pero parang kahapon lang 'yon. Kung no'ng nakaraang mga araw, halos ayaw kong masinagan ng araw, ngayon naman halos 'di na ako ma-pirmis sa bahay. "I gotta go, Ariel. Nagbilin na ako sa mga maids. Ikaw na muna ang bahala rito, okay?" "Okay. Ingat." Niyakap ako ni Kitkat bago siya tuluyang makalabas ng bahay at nagpalitan pa kami

