Mataman niyang tinititigan si Justin habang naka-upo siya sa isang tabi. Medyo may kalayuan ang pagitan nila pero kung tutuusin ay kitang-kita niya parin ang bawat galaw nito. Kapag kunwa'y iniiwas niya ang kanyang paningin kapag napapadpad sa direksyon niya ang paningin nito pero no'ng ma-realise niyang nakasuot naman pala siya ng itim na shades napapa-tss nalang siya. Nasa isang event kasi sila ngayon kasama si Janessa. No choice siya kundi samahan ang kaibigan niya dahil photographer din naman siya sa event na 'yon. Si Janessa naman ay consumers lang. Hindi niya alam kung alam ni Justin na photographer siya do'n at wala rin naman siyang balak na ipalam kung sakali. Ayaw niyang magulo ang kanyang sistema dahil simula no'ng pagkrusin ang landas nila eh halos hindi na siya makatulo

