“Ano ang ginagawa niya dito? B-bakit nandito siya? Sino ang hinahanap niya? natataranta at sunod-sunod na tanong niya kay Jelain nang tawagan niya agad ito nang makapasok siya ng cr! “Teka nga lang! Sino ba kasi ang tinutukoy mo?” wala sa sariling tugon ni Jelain. Bigla siyang nahimasmasan at saka niya palang naisip na hindi niya nga pala kasama si Jelain no'ng nasa elevator siya! She calmed herself before answering Jelain questions. “I mean...si Riki! Anong ginagawa niya dito sa kumpanya? Baka--” hindi niya naituloy ang kanyang susunod na sasabihin nang maisip na baka hinahanap nito ang babaeng naka-maskara!? “Huy? Kumalma ka nga! Nasaan ka ba?” “Andito ako sa cr.” “Anong ginagawa mo diyan?” “Nagtatago.” “Kanino?” “Kay Riki malamang!” Parang lalo pa siyang natataranta at naii

