Halos takbuhin niya ang pasilyo para lamang maikulong niya ang kanyang sarili sa banyo dahil sa nararamdamang kaba, galit, inis at sarap matapos silang maghalikan ni Riki! Hingal na hingal siya nang makarating siya sa loob ng banyo. Napatingin pa sa kanya ang ilang empleyado niya kaya dahil sa pagkabigla ng mga ito eh mabilis na tinapos ng mga ito ang ginagawang pagre-retouch. “Excuse me po Ma'am, Justin.” nahihiyang sabi no'ng isang babae sa tatlong magkakasama na naroroon sa loob ng cr. Agad siyang tumabi at pasimpleng nginitian ang mga ito kahit nakakaramdam parin siya ng pagkahingal. Pagkasara ng pintuan ay siya ding pag lock niya agad at mabilis na nag hilamos ng kanyang mukha. Binasa niya ito ng basang-basa habang walang humpay na umaagos ang tubig. Ilang segundo nang basta siya

