20

2008 Words

Ganado akong nagbungkal ng lupa habang tulog pa ang binibining iniwan ko kaninang naghihilik pa sa kanyang higaan. Ngayon lang ito inabot ng alas-9 sa kanyang pagtulog. Madalas ako ang magigising na wala ito sa aking tabi. Pero iba ngayon. Lalo't alam kong ako ang dahilan ng pagod nito. Hindi ko alam kung nakailang ulit ako. Ang panghuli nga'y nakatulog na ito bago ako huminto. "Bunsoy! D'yan ka lang." Mabilis na kuha ko sa atensyon ng baboy. Baka mamaya iyakan na naman ni Aurora kapag napahamak na naman itong baboy na makulit. Mabilis namang naupo ang baboy saka ko ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Hindi ko naisip na darating pala ako sa puntong sasaya sa ganitong gawain. Akala ko iikot lang ang buhay ko sa apat na sulok ng opisina ko, habang iyong mga kaibigan ko ay nagsisimulang bumuo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD