Mabilis na kumuha ng tuwalya si Jeco bago bumalik at pinulupot iyon sa'kin. Nasa sala na kami ngayon at pareho ng nilalamig. Our clothes are soaking wet pero naupo pa rin kaming dalawa sa sofa. Nang maibaling ko ang tingin sa katabi ay nakita ko ang nag-aalala pa ring ekspresyon sa mukha ni Jeco, napaiwas na lang ako ng tingin.
Now he's acting like that. Kung alam ko lang ay natutuwa siya ngayon at nakikipagplastikan na lang sa'kin, alam kong deep inside gustong gusto niya ng tumawa dahil sa katangahan ko.
Lumapit siya ng kaunti kaya naman ay napaurong rin ako palayo. I heard him let out a deep breath after it.
"I'm sorry, I didn't know you're planning to jump. May masakit ba sa'yo?" nakokonsensya niyang ani, umiling naman agad ako at napatingin na lang sa carpet.
Wala naman talagang masakit sa'kin, naiinis lang ako at nahihiya. I don't know why I'm pissed off, hindi ko rin alam kung kanino. Napakarami talagang nangyari sa araw na 'to, wala 'to sa mga na-day dream ko kanina! Nakakainis, hindi naman friday the 13th.
Pareho kaming natahimik at nagpakiramdaman ng Ilan pang minuto. Maya maya ay tumayo na naman siya at naglakad papunta sa kusina. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang tasa ng mainit na tsaa saka iniabot iyon sa'kin at pinanuod akong uminom.
"Thanks." namamaos na ani ko at inabot pabalik sa kaniya ang lalagyan ng matapos. He just placed it over the table without taking his eyes of me. Nakatayo lang siya ro'n at parang anumang oras ay handa ng lumuhod at humingi ng tawad sa'kin.
"What?" mataray na ani ko kahit medyo nanginginig na ang mga labi.
"You should change." aniya at sinuklay ang sariling buhok gamit ng kaniyang mga kamay, malamlam na ang kaniyang mga mata pero nakasalubong pa rin ang makakapal niyang kilay.
Right. "We should." ani ko at tumayo, I was about to take a step when he placed his hands on my back and carried me as he just scooped something. Nanlaki naman agad ang mga mata ko at napayakap sa'king katawan.
"What are you doing?" mataray na ani ko pero halos pabulong na lang. Ngumiwi lang siya ng tingnan ako saka naglakad. "Para kang matamlay na lumpia." aniya at itinuon ang atensyon sa dinaraanan. Napanguso na lang ako at napamura sa'king isip.
Matamlay na lumpia?! O, gosh! Kahit yung prinsipe ng espanya ay pinuri ako kahit na may lagnat tapos siya ganon-ganon lang?!
Pasimple akong nag-angat ng tingin para pagmasdan ang kaniyang mukha. Mula sa anggulong 'yon ay kitang kita ko kung ga'no kaganda ang guhit ng kaniyang panga, mamula-mulang tainga, tangos ng ilong, at haba ng kaniyang mga pilik mata.
I really felt bad for him, mukhang inaantok na siya't pagod na pagod, naabala ko na nga kanina, may bago na naman ngayon.
"I wanna walk." ani ko na nagpaangat sa kaniyang kilay. Hindi rin ako nagpatalo, inarko ko rin ang aking mga kilay. When he looked at me, he bit his lower lip as he can stop himself from laughing. He stared at my eyes for a couple of seconds and suddenly looked away after.
"Hold on." aniya at maingat akong ibinaba. Nasa harap na pala kami ng kwarto niya kaya naman pumasok na agad ako at pinangunahan siya. Agad akong naglakad at napatingin sa gilid ng kama kung sa'n ako nagising kanina para tignan ang aking mga gamit. I even moved the comforter and bedsheet but didn't found a single cloth. s**t, o baka naiwan ko?
Napasinghap na lang ako at napapikit saka humarap kay Jeco na ngayo'y nakasandal lang sa pintuan habang ang mga braso ay nakakrus. He frowned tiredly and nodded before entering in his room ng mahulaang wala akong nakita. Lumapit siya sa isang pinto at binuksan iyon, his walk-in closet. Sumunod ako sa kaniya sa loob, good thing our clothes aren't dripping anymore so his nice indigo feathered carpet won't get ruined. May ibinukas siyang malaking cabinet na gawa sa salamin at do'n humakot ng kaniyang mga mahahawakan. Pinanuod ko lang din kung pa'no sya kumuha ng dalawang pares ng boxer shorts at itim na mga medyas.
Paglabas namin do'n ay saka niya sa'kin inabot ang mga hawak. O, gosh. First time kong manghihiram ng damit na galing sa lalaki, mostly mga damit lang ni Satana at kay Mama lang yung pinapakialaman ko.
"Thanks." walang emosyong ani ko because..okay I just don't know how to act! Tumango lamang siya at walang anu-ano'y binuhat na naman ako!
Aaminin kong siya pa lang ang nakakagawa nito sa'kin except sa mga naging leading man ko in my past projects. Some will even pay thousands to see and to have my signature on my cosmetics they bought and then he really has the cheek to do this to me?! Buti na lang talaga, niligtas niya ako ng pangalawang beses!
Sinamaan ko siya ng tingin but he insisted. He walked towards the bathroom and stepped in, agad niya namang binuksan ang ilaw ng banyo gamit ang kaliwang siko ng walang kahiraphirap at marahan akong iniupo sa tub!
"Here." aniya ng kunin niya ulit ang mga damit sa'king kamay at inilapag iyon sa isang marble table na nasa tabi ko lang naman.
Hindi ko naisip na may pagkagentleman pala siya. Kitang kita hanggang ngayon na nag-aalala pa rin siya sa'kin. I don't know, I can sense that he's harmless naman. He looks cocky, playful and serious at the same time kasi. Hindi ko mahulaan agad ang mga kilos na gagawin niya. He really is something, pero I bet, wala rin siyang pinagkaiba sa ibang mga lalaki. Man like him could hurt a woman like me, but not me. Duh.
Malamya lang akong umirap bago dahan-dahang inihiga ang sarili sa tub at napahinga ng maluwag. The fragrance of the lavender twisted in my nostrils, makes me took more deep breathes.
"I'm going, call me if you need anything."
Pagkatapos kong marinig iyon ay napabalikwas pa ako! O, gosh! Agad akong napatingin sa'king dibdib at napahinga ng maluwag ng makitang 'di pa pala ako nakahubad! Muntik ko ng makalimutang 'di pala ako nag-iisa. Inilubog ko na lang ang sarili sa tubig upang 'di makita ang nakabakat na itim na tube sa ilalim ng puting dress na suot ko.
"Anything wrong?" Napalingon ako kay Jeco saka aksidente na namang nasuri ang matipuno niyang katawan. Dahil sa nabasang puting damit niya ay kitang kita ko na ang naggagandahang muscles at abs niya. Why am I always distracted by his damn body? O, Gosh Maurette!
Nang muling masalubong ang kaniyang mga mata ay napaiwas agad ako ng tingin. "W-wala."
"Are you sure?" pagkaklaro niya na siyang inilingan ko lang. Tumango naman siya saka lumabas na lang ng banyo pagkatapos.
His unit's quite luxurious, lahat kompleto. For sure, it is some perks of being an olympic gold-medalist-or baka dahil mayaman lang talaga siya. Bawat personal stuffs ay may naka-ukit na 'J.J' gaya ng medyas at towel. I bet the J.J stands for his name, Jeco Jimenez.
Hindi na 'ko nagtagal sa tub, baka ro'n lang ako makatulog at baka tuluyang malunod.
I quickly put my clothes inside the washing machine and watched it spin in front of me as I adjusted the sleeves of Jeco's hoodie jacket. Iyon ang napili kong suotin sa tatlong damit na ibinigay niya kasama na ang isang branded na polo at shirt na may signature sign niya.
I also wore his dark patterned boxers and socks after. Nag-blower din ako sa harap ng pabilog na salamin at naghintay pa ng ilang minuto bago tuluyang lumabas ng banyo.
Nagulat pa ako ng madatnan siyang nakatayo malapit sa study table habang nagtitipa sa phone niyang kasalukuyang nakacharge. He's standing there topless, basa pa ang buhok na tumutulo pababa sa kaniyang balikat at likod, tanging puting tuwalya lang ang nakapulupot sa ibaba ng kaniyang baywang. O, Gosh. Napalunok na lang ako.
Maya naya ay naramdaman niya siguro ang presensya ko ng mapalingon siya sa'kin. Napaamang siya saglit bago hinila ang charger at agad na naglakad papunta sa pinto. "I'm sorry, I just came to get my pho..ne." halos 'di ko na marinig ang huling salitang sinabi niya dahil sa biglaang paghina ng kaniyang boses ng mapatingin sa'king kabuuan.
Napaangat naman ang aking kilay at napatingin din sa mga tuhod ko. "What?" Ba't naman parang nailang siya ng tingnan ako.
"Are you comfortable wearing those? I have pair of pajamas-"
"Are you?" balik na tanong ko at nginisian siya. Why he looked so bothered? Ngayon lang ba siya nakakita ng mala-diyosang nilalang na gaya ko? Naningkit ang kaniyang mga mata at maya maya'y natawa. "Of course, those are mine." aniya't nagkibit balikat.
Agad na naglaho ang ngisi ko at umirap na lang saka naglakad papalapit sa king-sized bed niya. Akala mo naman kung sino, bilhan ko pa siya ng tig-iisang dosena ng mga sinuot ko e.
"Sa'n nga pala ako matutulog?" tanong ko saka nilapag ang polo at shirt na hawak sa gilid no'n ng makarating.
"Obviously, here."
"How about you?"
"Guestroom." matipid na aniya, pati ang malalim na boses niya'y nagpapahiwatig na inaantok na nga talaga. Muli na lang akong napalunok ng tuluyang makita ang kaniyang matipunong dibdib, sakto lang ang kalakihan no'n 'di gaya ng mga wrestlers at weightlifters and-O, Gosh. Ang six-pack abs niya naman ay tila isang iskulptura na matagal na ginuhit. O, Gosh. Kumalma ka, Maurette.
"Done surveying my body?"
Nanlaki ang mata ko at agad na napaiwas ng tingin. s**t! "S-surveying? Excuse me?" suminghap na lang ako nang pagkalakas lakas at napaupo sa kama. Ba't ba 'di pa rin siya umaalis?! Hello?! How dare him fantasized that I was surveying his body?!
"Y-you can leave now, I know you're already cold-"
"I'm hot." nakangising aniya at tinaasan pa ako ng kilay. "I'm comfortable wearing this." he looked at the towel and chuckled. "Are you?"
Agad na nag-init ang aking pisngi at napaupo ng maayos, yung tipong dikit na dikit ang dalawang binti. So what is he trying to imply here? Ang kapal!
"I guess you are," muling nakangising aniya at hinawakan na nga ang doorknob saka nakagat ang pangibabang labi. "You looked so inflame."
Namilog ang aking bibig sa narinig at agad na napahawak sa aking mukha. Asyumero! Nang makita ang nakasalubong kong mga kilay ay tumawa siya't nagsalita ulit bago tuluyang buksan ang pinto't umalis. "Sleepwell, Maurette."
Naiwan akong nakanganga mag-isa habang hindi pa rin naaalis ang paningin sa pinto, napakagrabe talaga ang araw na ito. I swear I'll going to post a tweet about this on twitter tomorrow!
• • •