Napangiwi na lang ako ng magtawanan silang tatlo saka pinagpatuloy ang pagkain.
Hindi ko alam. Hindi ko inaasahan na marinig iyon. Another embarrassing moment! Gold medalist for four consecutive years? Gano'n na ba siya kagaling?
Habang ngumunguya ay napapikit ako saglit bago sumulyap sa kaharap. Nagkwekwentuhan silang dalawa ni Seiji, when his eyes glued at me, I immediately faced Satana na nakangisi na habang ngumunguya. Pinandilatan ko na lang siya ng mata at nagpatay malisya.
Lumipas pa ang ilang minuto bago kami natapos. Satana and I made sure na maibalik namin ng maayos ang mga nagalaw naming gamit. Hindi na nga nakarating sina Ate Sev at yung Gringgo. I wonder what happened.
Naghuhugas pa ng kamay si Satana ng nagmartsa ako papunta sa sala. Doon ay nadatnan kong mag isa na lang yung Jeco. Nangunot naman agad ang noo ko.
"Where's he?" tanong ko sa kaniya, tinutukoy kung nasaan na ang pinsan ko habang sinusuyod ng tingin ang bawat corner.
"He left already," aniya at sumandal sa sofa saka pumikit, minamasahe ang sentido. Napalunok naman ako ng aksidente kong masuyod ng tingin ang kaniyang kabuuan. Yes, aksidente lang!
He was wearing a pair of black cotton pants and a white shirt. O, Gosh. Bakit biglang naging attractive and cute siya sa paningin ko.
Nakagat ko agad ang pangibabang labi dahil sa mismong naisip. Umayos ka nga, Maurette.
"Why?"
Muntik pa akong mapatalon ng muli siyang magsalita. "H-huh?"
"Why? Don't you have any idea where did he go?" tanong niya muli. Gosh, akala ko kung ano na!
"Yes. Kaya nga ako nagtatanong 'di ba?" pagtataray ko at naupo sa single couch. Pinagkrus ko agad ang mga paa saka tinaasan siya ng kilay. "So sa'n siya nagpunta?"
Saglit na nangunot ang noo niya bago napangisi at natawa. "Hindi ko alam, kamahalan." mahinang ani niya at umayos ng upo. Isinandal niya ang kaliwang kamay sa armrest ng sofa at nilaro ang natural na mapulang pangibaba niyang labi. O, Gosh. Now he's hot.
Napasinghap ako at muli siyang tinignan sa mga mata, only to find out na nakataas na pala ang isa niyang kilay habang pinapanuod rin ang mga kinikilos ko! Napaiwas na lang agad ako ng tingin ng tumawa siya ng mahina. Gosh, Maurette!
"I have to go."
Sabay kaming napalingon ng lumabas si Satana sa kusina, mukha siyang nagmamadali. Napatayo naman ako at biglang nagalala.
"Why? What happened? I'll go with you." ani ko at nilapitan siya. Muli syang napatingin sa hawak na phone saka ako hinarap.
"Si mama.." aniya, mukha siyang problemado.
"Okay, I'll go with yo-"
"Hindi puwede, napakaraming media ang nagaabang. Lahat ng daan palabas, bantay sarado. Baka dumugin ka at mapano ka pa."
Natigilan naman ako at saka tumango. Kinuha na muna ni Satana ang itim niyang jacket at susi ng kotse niya bago hinarap si Jeco na ngayo'y nakatayo na rin.
"Please, kung pwede dito na lang muna matulog si Maurette. Pakibantayan siya, Jeco." ani Satana. Tumango naman si Jeco at sinulyapan ako.
"No problem. Are you sure you can drive?" tanong niya pa na tinanguan lamang ni Satana. Sabay namin siyang hinatid papunta sa pinto at muling nagpaalam sa isa't-isa. "Ikwekwento ko na lang pagbalik ko." she hugged me and patted Jeco's shoulder before she walked out.
Mahigit kalahating oras na akong nakatayo sa harap ng pader na gawa sa salamin kung sa'n kita ang nagiilawang mga gusali ng Manila. Hindi ako mapakali, nag-aalala ako kung ano ng nangyari kay tita.
"Can you please have a sit?"
Napatingin ako ng maglapag ng isang malaking paper bag si Jeco sa ibabaw ng coffee table. Umupo siya sa isang stool na malapit sa'kin saka kumuha ng dalawang canned drinks.
"Coffee? Soda?" alok niya at ipinakita sa'kin ang mga hawak. Napabuntong hininga naman ako at umupo na lang din sa isang maliit na round wooden chair. "Water lang."
Nagkibit balikat muna siya at inilapag ang kape at soft drinks saka kumuha ng tubig sa malaki niyang fridge. Pagbalik niya ay saka niya sa'kin inabot ang isang baso ng malamig na tubig, agad ko naman iyong ininom at sumandal sa inuupuan.
Bumalik siya sa kung sa'n siya nakaupo kanina at tahimik na uminom ng kape. We both stared at the city lights for a couple of minutes. Busog na rin ako sa kakainom ng tubig kaya naman ako na ang pumatay ng katahimikan.
"So kailan tayo magsisimula?" tanong ko at pinanuod siyang tapusin ang kaniyang iniinom. After drinking, he licked his lower lip and placed the can neatly above the table. Tinignan niya naman ako pagkatapos at napakunot ng noo. "What?"
" I mean, kailan mo ko matuturuan. Swimming lessons." tanong ko na ikinangisi niya.
"I was just joking when I offered myself to teach you." nakangising aniya na nagpanganga sa'kin. How dare him? Nag-aksaya pa talaga ako Ng oras para mag-isip kung papayag ba ako o hindi!
"How could you-" I was about to fire him back when he chuckled and cut me off.
"Ba't napakamainitin ng ulo mo?" aniya at tumawa ulit. "Cute." I heard him murmured. Nag-init naman agad ang pisngi ko kaya napaiwas ako ng tingin. Cute?! How rude! It's an insult for me!
"So you're interested?" aniya pa na nagpalingon sa'kin. Nakakagulat naman 'to!
"Sa'yo?" nameke ako ng tawa at nagpatuloy. "No f*****g way."
Natigilan naman siya bago tumawa ulit, sakto lang para marinig ko. f**k, even his voice can make me took off my dress now!
O, gosh. Ano ba 'tong naiisip ko!
"What's funny?" nakangiwing saad ko. Tumawa siya ulit at napatingin sa'kin. "Anong sa'kin? I mean sa inalok ko kasi." aniya at nakagat na lang ang pangibabang labi para pigilan ang sarili sa pagtawa. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa realization. O, Gosh!
Dali-dali akong kumuha ng isang canned drink sa paper bag at mabilis na nilaklak iyon dahil sa pagkapahiya! Hindi ko na ininda ang pait ng lasa ng kape. Nang mainom ko lahat ng iyon ay saka ko siya tinignan ulit.
"Tuturuan mo ba ako o hindi?" inis na tanong ko. Ngumisi siya at napatingala saglit. Nakakainis naman 'to, nang aasar ba siya?!
"I'll find time, medyo hectic ang schedule ko for now." aniya at sumandal sa inuupuan, nakatingin pa sa'kin ng diretso. What?! Paghihintayin niya pa ako?!
"Wow, ha. How could you say that to me?" mataray na aniko at pinanuod na mas lalong umangat ang gilid ng kaniyang labi.
"Why? Alright, pwede naman tayong magsimula ngayon din." aniya. Akala ko nagbibiro na naman siya pero tumayo na siya sa pagkakaupo at nginitian ako. "Jacuzzi's right there."
Nanlaki naman ang mga mata ko ng magsimula na rin siyang maglakad. Balak ko pa sanang magprotesta pero sumunod na lang din ako.
Lumabas kami sa isa pang pinto na gawa sa salamin, do'n ay bumungad sakin ang may kalakihang recreational pool. Nanginig naman agad ang mga tuhod ko ng makita ang malinaw na tubig. Tuloy ay naalala ko na naman kung anong nangyari kanina sa event. Huminga na lang ako ng malalim at sumunod kay Jeco ng maglakad sya at umupo sa gilid non. Lumingon siya sakin at ngumiti.
Umirap pa ako at umupo na lang rin, nag-iwan ng malaking espasyo sa pagitan naming dalawa. Nang ibaba ko ang aking mga paa sa tubig ay narinig ko ang pagtawa niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Are you afraid of water?" tanong niya, maingat iyon at seryoso pero nakangiti pa rin siya.
Napaarko naman agad ang kilay ko. Is he provoking me? "Of course, not." mataray at taas noo kong sambit. Tumango naman siya at umaktong kunwari'y naniniwala, tuloy ay mas lalo akong nainis.
"Ilang ft to?" diretsahang tanong ko. Ngumisi na naman siya bago ako tinignan. I swear kung below 5 'to, tatalon ako!
"3.." aniya pa. 3 ft lang? Ano 'to, kiddie pool?! Bahala na, mababaw lang naman! Saglit pa akong napatingin sa tubig saka napagpasyahang tumalon.
Pagtalon ko ay akala ko'y maaapakan ko na agad ang semento, pero papalubog na ang buo kong katawan, 'di ko pa rin maabot iyon! Nagsimula na akong kabahan, dumagundong ang aking dibdib at kinapos na agad ako ng hininga. O, Gosh!
Nakakatatlong segundo pa lang bago ako tumalon ay naramdaman ko na agad ang pagyakap sa'king katawan at kung pa'no ako buhatin para makahinga! Gosh! Nagpatuloy ako sa pagkumpas ng kamay habang nakapikit, takot na takot.
"Don't panic, I got you already." mahinang bulong ng pamilyar na boses. Si Jeco! He wrapped my legs around him and took me towards the poolside. Pareho kaming hinihingal ng makarating do'n. Marahan niya akong binuhat paupo at agad na tinanong kung okay lang ba ako. Gosh! That was too close! Hinihingal s'yang napahawak sa'king baywang at napayuko. Paniguradong nahirapan siya kanina dahil sa likot ko. Lumipas pa ang ilang segundo ng pareho na kaming kumalma, inangat niya ang kaniyang ulo para salubungin ang aking paningin. "You okay?" bulong niya ulit, nag-aalala ang mga mata. Napalunok naman ako at napapahiyang tumango. He was about to get up when I held him in his broad shoulders and dragged him closer to give him a hug while quietly crying.
Nanginginig ang buo kong katawan ng hagurin niya ang aking likod. "It's okay, you're safe now." bulong niya at saka inalis ang mga nakaharang kong buhok sa'king mukha. I tightened my hug and scooted him closer, tuloy ay dikit na dikit ang aming mga basang katawan sa gitna ng malamig na gabi.
• • •