Naiiyak akong napatakip sa'king mukha bago niyakap ang sariling mga tuhod. Nakakainis! Nakakainis talaga!
"Iyan ang model! Hahaha!" kantyaw sa'kin ng pinsan kong si Seiji. Naitikom naman niya agad ang kaniyang bibig ng mag-angat ako ng tingin para lang pagtaasan siya ng kilay. Isa pa itong gunggong na'to! Nakakainis!
Nasa isang condo unit na ako ngayon, dito ako dinala nina Satana at ng pinsan ko para makaiwas sa media.
"Cleared na, 'wag ka ng mamoblema riyan. Pinalabas kong nahilo at nahimatay ka kaya nangyari iyon." ani Satana saka ibinulsa ang kaniyang phone. Pabagsak siyang umupo sa single couch bago ipinagkrus ang mga braso at nginisian ako. "Trending ka, teh." aniya. Napabusangot naman tuloy ako lalo.
Sanay naman na akong pinaguusapan ng karamihan, pero 'di dahil sa ganoong dahilan! Ibang-iba ito! Kahit pilitin kong 'wag isipin, naiisip ko pa rin at nanunumbalik ang pagkapahiya ko!
Pagkatapos ko pa lang mahulog sa stage kanina ay bumalik raw yung singer para tulungan ako saka agad na itinakbo sa dressing room! Gosh, maurette.
Sinasabi ko na nga ba, may mangyayari talagang 'di masama. Tama ang kutob ko!
"That's okay, Maury. Maganda ka pa rin naman." muling nagsalita ang pinsan ko, nakangisi na rin at nakuha pang kumindat! Inirapan ko na lamang siya at pabagsak na humiga sa kama. Nang maamoy ang mga nagbabanguhang unan ay mabilis ko itong inilapit sa'kin at mahigpit na niyakap saka pumikit.
"Huy, 'di mo higaan iyan a. Umayos ka nga, Maury!"
Hindi ko na pinansin pa ang hirit ni Seiji at nakabusangot na lang na isiniksik ang aking mukha sa mga yakap na unan saka nakatulog ng 'di ko namamalayan.
Nagising ako ng may maamoy na kakaiba. Kinusot ko pa muna ang mga mata bago humikab habang kinakamot ang leeg. Handa ko na sanang bulyawan si Seiji dahil sa matapang na amoy na paniguradong pakana niya pero 'di ko agad naigalaw ang sarili ng makitang 'di siya ang nakaupo sa dulo ng kama! Who's this?!
"Who the f**k are you?!" sigaw ko at napayakap sa sarili. Napanood ko ng pati siya ay magulat sa agarang pagsigaw ko. Gosh, don't tell me isa siya sa mga media or worse, paparazzi?!
Napatayo siya at muntik pang matumba ng matapakan ang isang pares ng sapatos na kaniyang tinatanggal kanina. Nangunot ang noo niya at napalingon pa sa'kin!
"Don't come near me!" banta ko at tumayo na sa kama, ang hintuturo ay diretso ng nakatutok sa kaniya. He tilted his head a bit and looked at me with his questioning look!
"I told you, gising na siya."
Sabay pa kaming napalingon ng pumasok sina Seiji, Satana at isa pang lalaki—wait, yung singer!
"Ang ingay mo, rinig na rinig ang boses mo sa hallway." ani Satana at binato sa'kin ang isang energy drink, buti na lang at nasalo ko naman iyon agad.
"Who's this?" tanong ko sa mataray na tono, ang paningin ay nasa lalaking nakaputing sweater at black pants na ngayo'y nasa akin din ang paningin, nakangisi at napapailing sa sarkastikong paraan.
Malakas na tumawa sina Seiji at yung kasama niya, lumapit pa ang lokong pinsan ko sa'kin para lamang tapikin ang likod ng aking tuhod. "Siya?" tanong niya at mukhang kakapusin na ng hininga sa pagtawa. Mas lalo ko na lang pinaarko ang aking kilay at inambahan siya ng tingin, hinihintay pa rin kung ano ang sagot.
Hinihingal na hinawakan ni Seiji ang tiyan bago lumapit sa lalaking nakaputi at saka pabirong tinapik ang balikat nito. "Siya lang naman ang may-ari ng kamang iyan," he pointed the bed that I just messed up and walked towards me. Inilapit niya ang palad sa kaniyang pisngi at kunwari'y bumulong, "He owns this unit." malakas na sambit niya at humalakhak kasama yung singer ng event kanina.
Ngumiti ako ng sarkastiko at kunwari'y nagulat. "Really?" I said exaggeratedly before making a poker face. "It's okay, I can pay." maangas na sambit ko at bumaba na sa kama para sana sundan si Satana sa kusina ng bigla na namang magsalita si Seiji!
"He's the one who saved your life earlier! You too performed the CPR together." aniya pa na nagpatigil sa'kin. Unti-unti kong naramdaman ang dahan dahang paglaylay ng aking mga braso sa malamig na tiles. Napasinghap din ako ng malalim at napapahiyang humarap sa kanila.
"Gringgo, si Maury. Maury, si Gringgo. Siya yung nag-ahon sa'yo kanina sa pool." pagpapakilala ni Seiji sa singer bago bumaling sa lalaki na ngayo'y nakangisi na, aliw na aliw na pinagmamasdan ang bawat reaksyon ko.
"Maury, this is Jeco. Jeco, this is Maury." Seiji said in a playful tone before winking at me. "You was unconscious earlier so he has no choice but to do the CPR method, heroic right?" dagdag ni Seiji at humalakhak na naman.
Napabuntong-hininga na lang ako at dahan dahang kinalas ang mga braso sa pagkakakrus. I looked at the two of them with so much guilt and thanked them sincerely.
"I'm really sorry about what happened, naabala ko pa kayo." mahinang ani ko at napapahiyang bumuntong hininga. Tumango lang yung lalaking nagngangalang Gringgo habang yung Jeco naman ay inakbayan si Seiji, ang paningin ay nasa akin pa rin.
"My pleasure, Maury—"
"Maurette," pagputol ko sa kaniya saka tuluyan ng nagmartsa papunta sa kinaroroonan ni Satana. Isa pa 'tong bruha na'to!
"Bakit 'di mo agad sinabi?" mahinang saad ko pag pasok ko pa lang sa kusina, kasalukuyan niyang tinitikman ang nilulutong chicken curry. Tinapunan niya lang ako ng inosenteng tingin saka nagsalita. "Hindi mo naman kasi tinanong."
Inis akong napaupo sa high-stool chair at pinagmasdan na lang siyang maghalo ng kaniyang niluluto, patapos na rin 'yon siguro. She took the pat holder and served it in front of me.
Gosh, sunod-sunod na embarrassing moments ang nangyari sa'kin sa araw na ito. Kinuha ko ang phone ni Satana and checked what's going on social media. There was so many tweets about me and thankfully hindi hatetweets ang mga nilalaman ng mga iyon, lahat ay nagaalala sa kalagayan ko.
"#GetwellsoonMZ, #LoveYouMaurette, #ProtectMauretteAtAllCost." basa ko sa tatlong hashtag na tungkol sa'kin. Napahinga na lang ako ng maluwag bago pinatay ang phone ni Satana at nilapag iyon sa kaninang posisyon.
Natapos na ni Satana ang kaniyang niluluto, umaalingasaw na ang mabangong amoy ng Chicken Curry at 'di na rin makapaghintay ang sikmura ko.
"Wowww!" Seiji's annoying voice filled the entire kitchen.
Napapikit na lang ako at bagot na bagot na sumandal sa lamesa. The three of them joined me, hinihintay na ilapag ni Satana ang niluto sa hapag. Nakahanda na rin kasi ang mga pinggan at ilan pang mga kubyertos kaya naman nakaramdam ako ng kaunting pag-ilang. I can hear Seiji's gigles habang ipinagpapalipat ang tingin sa'ming dalawa nung Jeco. Hindi naman makulit ang lahi namin, ewan ko ba sa isang 'to.
"Sevena's outside." maya maya'y saad ni Gringgo at saka nagtipa sa hawak na phone. Nang mailapag na ni Satana ang niluto ay umupo siya agad sa tabi ko't nilingon si Gringgo. "Si ate?" paglilinaw niya.
"Hindi siya makapasok, masyadong crowded. Got to go." muling ani nung Gringgo saka tumayo at nagpaalam na sa'min.
Nagsimula na lang kaming kumaing tatlo at 'di na hinintay yung Gringgo at si Ate Sevena, Satana's older sister.
Ingay ng pagkuwento lang ni Seiji ang nangibabaw habang kumakain kaming apat, paminsan lang kung magsalita yung Jeco habang si Satana naman ay patuloy na sinisita ng tahimik ang pinsan kong pinaglihi sa puwet ng manok. Patuloy lang silang nagkuwentuhan hanggang sa makarating ang topic nila about sa'kin na tahimik lang na ngumunguya.
"Are you sure you still want to accept the mermaid role?" tanong ni Satana patungkol sa upcoming project ko. Natigil ako sa pagnguya at napatingala saglit. "I'm still thinking about it." aniko. Right, malaking project 'yon and I just can't let it pass. Kaso namomoblema ako, baka iyon pa ang maging dahilan ng pagkamatay ko.
"Bakit 'di ka magpaturo kung pa'no lumangoy?" ngumunguyang ani ni Seiji at muling sumandok ng chicken curry. Natawa ako at napatingin kay Satana. "Even professional swimming instructors can't help me, sino pa naman kaya ang pwedeng magturo sa'kin?"
Nangibabaw ang katahimikan pagkatapos kong sabihin iyon. Wala na talagang pag-asa para matuto pa kong lumangoy. For sure there's someone who's more deserving for the project so I guess I'll just reject the offer—
"Ako,"
Napaangat ako ng tingin ng biglang magsalita yung Jeco, Seiji suddenly whistled playfully habang si Satana naman ay naitago na lang ngiti sa pag-inom ng tubig.
Ngumiwi naman ako at tinignan siya pabalik. "Really? Ikaw?" Yes, I can't deny the fact that he knows how to rescue and he's body structure is so totally fine as f**k, pero mukhang wala naman siyang kakayahang magturo at tulungan ako.
"Ayaw mo?" aniya habang nakangisi ng nakakaloko.
"s**t, bro. I almost forgot that you're the Jeco Jimenez, the Olympic gold-medalist for four consecutive years already." ani Seiji. Naitago ko naman agad ang gulat sa narinig. What? Champion for four consecutive years?!
"Bro, ako lang 'to."
• • •