"Are everything set? Ladies, are you all ready?"
Napaayos ako ng upo ng biglang pumasok ang organizer ng event sa loob ng dressing room kung saan kanina pa naghahanda kaming mga modelo. Kitang kita ang excitement sa mga mukha nila habang ako, nakabusangot lang at hindi na maipinta ang itsura.
Humugot ako ng malalim na hininga bago tumayo at pinagmasdan ang sarili sa harap ng malaking salamin. Latang lata ako today! Paano ba naman, kanina ko lang nalaman na sa mismong resort pala na ito gaganapin ang event.
"Are you okay, Maurette?" nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng isang make-up artist sa aking tabi. "Y-yeah." aniko at ngumiti na lang sa kan'ya bago marahang tumango. s**t. Is it really obvious na kinakabahan ako?
Pagkatapos kaming bigyan ng instructions ng organizer ay dumeretso na muna ako sa restroom para pakalmahin ang sarili. Hindi ako pwedeng rumampa ng ganito, ako pa naman ang pinakasentro at magdadala ng swimwear suit na gawa ni Phanty, isang hollywood designer na siyang isa sa dahilan ng event na ito.
Bakit nga ba ako kinakabahan? I saw the stage's setting earlier, nasa ibabaw iyon ng isang malawak na humpback coral pool na gawa pa sa salamin kaya naman tanaw na tanaw ang tubig mula sa itaas. Suminghap ako at pinaypayan ang sarili saka naglakad na papunta sa entrada ng restroom. I was about to step out when someone suddenly entered and pulled me back quickly in front of the mirror.
"Satana!" aniko sa gulat ng makita ang mukha ng mataray kong kaibigan. Nakakrus ang kaniyang mga braso habang nakatingin sa akin nang seryoso. "Nasaan na ang manager mo?" aniya, ang mga kilay ay nakaarko na sa isa't-isa.
Napasimangot na lang ako at napasandal sa counter top, "I already fired her." She nodded in satisfaction after and stepped backwards, pinagmamasdan na ang kabuuan ko. For sure katulad ko ay dismayado din siya sa napili kong manager, hindi ko alam kung sinasabotahe ba ako o ano.
I chewed on my bottom lip at sinamaan siya ng tingin. Sa taray ng pagkakatingin niya ay paniguradong may sasabihin siya ng ikapapakla lalo ng mukha ko.
"Para kang tanga." she said and yawned quietly. Sabi na nga ba! Napairap na lang ako. I shook my hands frantically on the air and murmured some names of unknown saints. Kanina pa talaga ako ninenerbyos, may hinala talaga akong may hindi magandang mangyayari sa gabing ito.
Paglabas namin sa restroom ay saktong pumipila na rin ang mga models sa hallway. Humiwalay na sa'kin si Satana ng makarating ako sa pinakadulo ng mga nakahilerang modelo. Kaniya-kaniya na silang nagiisip ng kanikanilang pose, hindi ko naman gawain iyon pero napaisip na lang din tuloy ako ng akin ng wala sa oras.
Ilang minuto pa ang lumipas bago nagsimula, may kumakanta na sa stage, nagpapalakpakan na ang mga manonood at nagiilawan na rin ang iba't-ibang klase ng mga camera, hinihintay na lumabas kaming mga modelo suot suot ang mga nagagandahang swimsuit attire.
Huminga ako ng malalim at napatingala saglit ng makitang isa-isa ng lumalabas ang ibang mga modelong kasama ko. This is it, Calixia Maurette Zamora. Just focus and nothing bad will going to happen.
Kung nalaman ko lang talaga ng maaga na dito pala gaganapin, hindi sana ay nagb-beauty rest na ako ngayon sa unit ko. Balak ko pa sanang magpadye ng buhok at um-attend ng yoga class. I've cancelled so many plans today only for this event tapos eto lang pala madadatnan ko.
Hindi naman sa takot ako sa tubig o sa lalim noon, hindi ko lang talaga alam kung anong mangyayari sa akin kapag nahulog ako roon kung sakali. Bakit ba kasi hindi ako marunong lumangoy.
"Just don't look down, don't look down.." bulong ko sa sarili habang naglalakad na papalapit sa maliit na staircase na nasa gilid ng stage.
Nakipagngitian muna ako sa mga kasamahan ng organizer bago nila ako tinulungang umakyat kahit tatlong hakbang lang naman ang gagawin ko para makapunta sa taas. Nakakaloka talagang maging maganda minsan.
Habang nakatayo sa gilid ng stage at hinihintay ang cue ng organizer, napatingin ako sa malaking screen na nasa tabi at pinanuod kung paano umikot ang nakasuot ng puting bikini na si Camille ng marating niya ang dulo ng pahabang entablado. She's one of my friend sa linyang ito, bibihira lang ang mga modelong kagaya niyang napakadown to earth. She's so confident and charming, sa hinhin niyang iyon ay nakaya niya pang umawra sa gilid ng maliit na fountain sa harap. Napabuntong hininga na lang ako ng maimagine ko ang sarili na lumapit pa roon, sana hindi ako mahimatay.
Nang makitang naglalakad na siya pabalik ay doon ko lang din napansin ang takbo ng blocking. Bale lahat ng modelong papasok ay magmumula sa kaliwa at saka lalabas sa kabila. Oh my God, I've never been this gassed. Napalunok muna ako saka huminga ng malalim at kinondisyon ang sarili. I held my head high before waiting for a couple of seconds to join the song's timing.
"Ooh there's somethin' about, kind of woman that can do for herself. I look at her and it makes me proud, there's somethin' about her." boses ng lalaking singer. Huminga na lang ako ng malalim saka ngumiti. Here I come.
Binti pa lang ang naigagalaw ko ay dumoble na ang palakpakan, I walked felinely towards the center and let out my spicy smile. Ramdam ko ang mga pares ng mga matang nakamasid at isinisigaw ang pagkamangha, nakita ko rin kung paano sumilip ang ilang modelo sa kabila para lang matignan ako. Gosh, ayusin mo lang Maurette.
Sumentro sa akin ang spotlight saka sinundan ang bawat paghakbang at kilos ko. Kalmado lang akong naglakad habang ang mga mata ay nakatingin nang diretso sa harapan, my shoulders were steady and aline, hips are clapping on fire kasabay ang pag-alon ng aking dibdib sa bawat mahahabang hakbang na ginagawa.
Sunod-sunod lang ang bawat pag-ilaw ng malalaking camera at palakpakan hanggang sa maabot ko ang kalahati ng stage na kung saan naghihintay ang isang local artist na siyang kanina pa kumakanta. Ngumiti ako at inabot sa kaniya ang kamay ng inilahad niya ang kaniya sa akin. He's familiar, I think I've seen him already somewhere.
"'Cause she work like a boss, play like a boss. Car and a crib, she 'bout to pay 'em both off." muling kanta niya sa mikropono habang ang mga Maya ay nasa akin.
Nakangiti niya akong sinabayang maglakad papunta sa dulo, ng makarating doon ay bumitaw na rin ako at agad na nagpakitang gilas. I made sure na naipakita at nairampa ko nang mabuti ang suot na crimson bikini bago gumilid at sinalubong ang ibang mga modelo para sa final look and walk namin.
It was so nice knowing that there's a lot of international designers, influencers and celebrities came tonight. Natanaw ko rin ang ilang mga kakilala sa mga manonood, I even saw my cousin na kasama na si Satana.
As we reached the end and made our different poses, tuluyan na akong nakahinga nang maluwag dahil sa wakas ay patapos na rin ang kalbaryo ko.
After a couple of seconds ay ni-relax ko na ang sarili at handa na sanang um-exit ng bigyan ako ng magkakasunod na iling ng organizer habang nakangiti. Clueless, I stayed on my spot and did my pose. Ano pa bang hinihintay nila?
Patapos na ang kinakanta ng lalaking singer ng maglakad siya sa gitna at ngumiti rin saka pumorma.
Sumabay ako ng magpalakpakan ang mga kasamang models, itinago ko ang pagkainis sa pamamagitan ng isang pekeng ngiti. Ba't parang hindi naman ito kasali sa diniskusyon kanina? Wala akong kaalam-alam!
Bumalik ang singer sa likod kasabay ang pag-ilaw ng mga firecrackers sa gilid. Akala ko ay huli na iyon kaya humakbang na muli ako para sana makababa na ng maramdaman kong gumalaw ang piraso ng salamin kung saan ako nakatapak! s**t! Agad na namilog ang bibig ko ng tuluyan na ngang madulas ang suot kong heels, dahilan para mahulog ako mismo sa pool!
Nailobo ko agad ang bibig at naiangat ang kamay saka sinubukang huwag palubugin ang sarili, pero dahil sa suot kong apat na pulgadang sapin sa paa ay nabigo ako. I'm so doomed.
• • •