KABANATA - 05

1723 Words
Napasinghot ako ng magising kinabukasan. Giniginaw ako ng sobra! Kahit na nakapulupot na sa'kin ang makapal at malambot na comforter ay 'di ko pa ring maiwasang manginig at manigas, nakalimutan ko rin kasing hinaan ang AC, buti na lang at may suot akong medyas kahit papa'no. I looked at the walk clock as I rubbed my left eye. Alas-5 na pala ng umaga. Usually ganitong oras talaga ako kung magising everyday. I'm really such a morning person.  Napaupo ako sa'king kinahihigaan at inayos ang nagulong buhok. After a couple of seconds, nasa banyo na ako't naghihilamos. As I gently splash the cold water to my face, I immediately looked at the mirror and let out a heavy sigh. Panibagong araw na naman. Sana walang masyadong mangyari ngayon kagaya ng mga nangyari kahapon. Sa sobrang dami, nakalimutan ko na nga yung iba.  Paglabas ko ng banyo ay napatalon ako ng makitang nakaupo na sa gilid ng kama si Jeco, ang mga braso ay nakatungkod sa kutson at sinusuportahan ang bigat ng katawan niya.  Nakasuot na siya ng shirt na kulay itim, ang medyo magulong buhok niya'y nagpapahiwatig na mukhang kakagising lang din. Teka, ganitong oras din siya kung magising?  "Gising ka na?" aligagang tanong ko ng mapalingon siya sa'kin. Nangunot man ang noo ay ngumiti pa rin siya at marahang umiling. "Hindi, tulog pa ako." Napakapilosopo! Ngumiwi na lang ako at inirapan siya saka naglakad papalapit. Ba't ko rin nga ba natanong iyon e kitang kita naman ng dalawang mata ko na gising na siya? O gosh, Maurette. Tumawa lang siya ng mahina saka umupo ng maayos. "Goodmorning," aniya at pinanuod ang bawat kilos ko habang 'di tinatanggal ang nakakalokong pagngisi. Goodmorning his face! Ngayon pa siya babati pagkatapos niya akong bwisitin? "I prepared breakfast," aniya ng walang nakuhang sagot mula sa'kin saka tumayo at hinintay akong makalapit. Gulat naman akong napaangat ng tingin sa kaniya. May almusal na agad?! Tinaasan niya lang ako ng kilay habang nakangisi sa itinuran ko bago ininguso ang pintuan saka nagsimulang maglakad palabas. Wala naman na akong nagawa kung 'di ang sundan siya't tahimik na napairap. Nasa hallway pa lang kami ay naaamoy ko na ang mabangong amoy na nagmumula sa kusina. Nang tuluyang makarating ay napalunok na lang ako't agad na natakam sa nakitang mga pagkaing nakahain! O, Gosh! Ham, tocino, bacon, fried eggs, spam, pancakes and lots of cheeze!  "You cooked all of these?" tanong ko pa.  He sat first and looked at me before tapping the chair right next to him, pinapaupo ako.  "Seiji called earlier to inform me na maaga kitang ipaghandaan ng makakain." aniya pa.  Para namang nawala bigla ang hiya ko't agad na napaupo sa silyang katabi niya. Sobrang dami at mukhang masasarap kasi! Inayos na muna niya ang mga kubyertos na nasa harapan ko bago muling itinuon sa'kin ang paningin at ngumisi na naman. "Hungry?" Hindi ko na pinansin pa ang hinirit niya at agad na lang inabot ang mga pagkaing maaabot ng kamay ko. Bawat pagkain ay nasa pinggan ko na, wala akong pinalampas maliban sa blueberries. Sunday is a cheat day! Wala munang diet-diet, no. Wala rin naman na akong manager, so walang magbabawal sa'kin! Mabilis akong tumuhok ng isa sa mga nakahilerang hotdogs na medyo umuusok pa gamit ang tinidor. Matagal na rin no'ng huling kain ko nito, I think mag-iilang buwan na rin since puro gulay lang ang nilalamon ko. I also experienced stress eating, sometimes I starve myself. Buti na lang at malakas ang metabolism ko. Tuhok. Subo. Nguya. Lulon. Tuhok. Subo. Nguya. Lulon. Napapasayaw pa ako habang ngumunguya, ng mapatigtig sa ga-bundok na mga pagkain na nasa pinggan ko ay saka ko lang napagtanto ang isang bagay. O, gosh. O gosh, Maurette! Hindi nga pala ako nag-iisa! Dahan-dahan akong lumingon sa katabi na mukhang kanina pang aliw na aliw akong pinapanuod. Nakasandal na siya sa inuupuan pati na rin ang kanang braso, kasalukuyang nilalaro ang pang-ibabang labi niya't pilit na pinipigilan ang pagngiti. Agad na lumayag ang isip ko at nanlulumong inisip ang sariling itsura. O, Gosh.  Ngumuya pa'ko ng isang beses bago dahan dahang nilunok ang kinakain kasabay ang unti-unting paglaylay ng aking mga balikat. O, gosh talaga! Baka maisip niyang ngayon lang nakakain ng mga frozen foods ang isang Maurette Zamora! Well, totoo naman! Ngayon lang talaga ulit!  "Please, proceed." he said and acted innocent! Umupo siya nang matuwid at nangingiti na lang na inabot ang lalagyan ng bacon bago muli akong tinignan. "Coffee? Juice?" So what if nakita niya agad itong side ko? Mukha namang'di siya judgemental at tipong 'di ipagkakalat ang nakita. O, gosh! Who cares?! Agad kong inangat ang aking kilay at nagpatuloy na lang sa pagkain. "Milk lang." ani ko habang iningunguya ang isinubong ham, nagtataray. Natigilan naman si Jeco at nakangising tumango.  "Copy, kamahalan." Hindi ko alam kung sarkastiko ba 'yon o hindi, nahihiya kasi akong sabihin yung salitang please! Tumayo nga siya't pumunta sa ilang babasaging cabinet habang sumisipol pa ng nakakaloko. Itinuon ko na lang ulit ang atensyon sa sariling pinggan at isinunod ang mga pancakes. Kasalukuyan akong ngumunguya ng mapatingin kay Jeco na siyang nagtitimpla na ngayon.  Ang gwapo niya pala, ngayon ko lang siyang pinagmasdan nang matagal. Okay, pangatlong beses na pala! Habang nasa ganoon kaming sitwasyon ay narinig namin ang pagtunog ng doorbell ng kaniyang unit. Nagkatinginan naman kami ng wala sa oras.  O, gosh. Baka sina Satana na iyon! Dala ang isang pirasong ham ay tumayo ako't aligagang naglakad papunta sa main door. Ano na kayang nangyari? Sana nasa maayos na kalagayan si tita. Nakuwento kasi ni Satana sa'kin dati na may high blood pressure si Tita. Minsan daw ay bigla bigla na lang nahihimatay. Nag-aalala rin nga ako para kay mama since pwede rin siyang magkaroon noon if ever super siyang nastress and napagod, pero huwag naman sana. Pagbukas ko ng magarang pinto ay nagulat ako ng makita ang isang balingkinitang babae, mukhang pati siya ay 'di rin inaasahang ako ang makikita. She looked familiar. She was wearing a daisy dress braced with a brown flat sandal. 2/10 fashion, but she's cute and pwede ng pangmodel ng suklay. Charot. Nanlaki ang mata niya nung una akong makita, after then she looked at me with furrowed eyebrows and checked the unit's number before looking at me again. "Eunice," Jeco's voice suddenly appeared behind me. Umatras naman agad ako at binigyan siya ng daan. O, gosh! Magkakilala sila? Was he expecting this visitor? O, gosh! Baka girlfriend niya 'to! "Jeco," pilit ang ngiting saad nung babae at muling napatingin sa'kin. "Goodmorning." hindi na maipinta ang mukha niya. She smiled at me with so much fake effort before shaking a McDonald's paper bag in front of us. "I brought you some breakfast." aniya na na kay Jeco na ang paningin. Ngumiti naman si Jeco at napatingin sa kaniyang wrist watch. "You're too early, come in. Sakto, sabayan mo na kaming mag-almusal." ani Jeco at inabot ang paper bag na dala nung Eunice bago humarap sa'kin. "Your milk's ready."  Nagugulat naman akong napaangat ng tingin sa kaniya. O, gosh! Bakit niya pa sinabi 'yon! Baka magalit 'tong girlfriend niya, 'yon ay kung girlfriend niya nga ba talaga. Pinauna niya kong maglakad, tahimik naman akong sumunod habang nagsimula ng mag-isip ng malalim. Paano kung girlfriend nga? O, Gosh. I've set myself on fire! Issue 'to! Naaalala ko na, isa siya sa mga nag-apply bilang maging  extra model ng isang lingerie company kung saan ako ang ambassadress. Pinandilatan ko lang ng mata si Jeco at patay malisyang naglakad ng nginisian niya lamang ako. Pagdating naming tatlo sa kusina ay naupo rin agad kami nung Eunice, pasimple ko namang pinagpalit ang pinggan namin ni Jeco bago siya dumeretso sa cupboard at kumuha ng kubyertos para sa bisita niyang ngayo'y nakatingin na sa'kin. Since 'di naman ako plastikada ay tinapunan ko lang siya ng tingin at kinain ang bacon na tanging kinuha ni Jeco kanina. Lihim naman akong napanguso ng masulyapan ang mga mga pagkaing 'di ko pa natitikman. "I'm Eunice," maya maya'y pagpapakilala ng babae at inabot sa'kin ang kamay. Nagdalawang isip pa muna ako kung aabutin ko rin ba o hindi, bandang huli ay tinanggap ko ang kamay niya't magsasalita na rin sana ng pinangunahan na niya ako. "Nice meeting you, Maurette." My brows quickly arched after hearing the tone of her voice. Napatanong rin ako sa sarili kung ba't niya alam ang pangalan ko. When I finally collect my senses, do'n ko lang naisip na isa pala akong supermodel. Sino nga bang hindi makakakilala sa'kin? Sa isang Maurette Zamora?  "I'm Jeco's best friend," aniya habang nakikipagkamay. Best friend lang naman pala, akala ko'y may mangyayari na namang hindi maganda! Napaamang ako at marahang tumango. "Oh, best friend." ani ko at ibinawi ang mga kamay. Ngumiti siya pero kitang kita ang pagkapeke no'n, mukhang 'di nagustuhan ang paglilinaw ko. She then flipped her hair before looking at me from my head to toe that just made me jolt in silence. O, gosh. That was so disrespectful! Mabuti sana kung nasa fashion runway ako, pwedeng pwede niya pang gawin iyon, but, at this moment? She's just digging her own misfortune.  She has a little attitude that doesn't match her poise, not even passable. Suminghap ako at napasandal sa inuupuan. Nang matapos niya akong pagmasdan ng may halong nakakainsulto at naiinggit na tingin ay hinarap niya kong muli. "Is that one of his hoodies?" aniya at naaasar na ngumiti.  Tumango lang ako at ipinagkrus ang mga paa saka pinanuod ang reaksyon niya. I can smell something, is she jealous? Napangisi ako sa naisip. "Uh, yes I'm his best friend. You know, we've known each other since middle school, super tagal na naming close sa isa't-isa." bigla ulit siyang nagsalita at lumingon pa kay Jeco. Sino bang nagtanong?  "O, really." Bakit ba siya nagkukwento? Napahawak na lang ako sa baso ng gatas at napasimsim do'n pagkatapos. Pinagmasdan ko na lang ulit ang ekspresyon nya't pinigilang matawa. Why is she acting like this? Why looked so bothered, girl? "Kaya naman 'di na ko magugulat kapag nagkatuluyan din kaming dalawa sa huli." habol na aniya na dahilan ng muntikan kong pagkasamid sa iniinom! Gusto ko pa sanang matawa pero naglalakad na pabalik si Jeco kaya pinigilan ko na lang ang sarili.  Napaka- interesting naman pala ng araw na ito. • • •
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD