------- ***Sandy’s POV*** - Bigla akong napasigaw nang napagtanto ko sa paggising ko ay wala akong kahit anong saplot sa aking katawan. Inalala ko kung ano ang nangyari bago ako nagising sa estrangherong kwarto ito. Pero wala akong masyadong maalala maliban na lang sa ginawa ni Kaiser sa akin. Pinili kong sumama kay Clinton dahil sa mas may tiwala ako dito. Pero ano ito--- bakit ako nakahubad ngayon? Dahil sa sigaw ko, bumukas ang pinto ng banyo at mula doon iniluwa si Clinton, katatapos lang nitong maligo at tanging puting tuwalya lamang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito. “Sandy, bakit ka sumisigaw?” may gana pa itong magtanong. “Walang hiya ka Clinton, anong ginawa mo sa akin?” “M- Magpapaliwanag ako. You seduced me!” Ano raw? Nanliit ang aking mga mata habang na

