----- ***Third Person's POV*** - Aminado si Clinton na hindi nya alam ang gagawin nung tumawag si Sandy sa kanya at sinabi nito na gusto syang makausap ng anak nila. Masaya sya, excited sya, pero kinakabahan sya ng sobra. Lalo na nang narinig nya ang tinig ng anak. Maliit na tinig na parang musika sa kanyang pandinig. Kaya mas lalong napatulo ang luha. Napaiyak sya. Sunod- sunod nga ang paglanghap nya ng hangin, para kasing kinakapos sya ng hininga. Lalo na nang kausap nya ang anak. Hindi nya alam kung ano ang sasabihin dito. Tinig pa lang ito ng anak nila ni Sandy pero hindi na nya napigilan ang emosyon nya. Paano pa kaya pag nasa harapan na nya ito? "I am excited to meet you too, daddy." Gusto man nyang pigilan ang pag- iyak nya ay hindi nya magagawa ito. Kaya napakalma na naman s

