---- ***Third Person’s POV*** - “Clinton please, wag mo naman gawin ito sa aming ng mga anak ko. Kailangan ka namin. Oo na, ako na ang nagkamali, ako na ang may kasalanan, kaya lang naman ako nagkaganito dahil sa inagaw ka ni Sandy mula sa akin. At ngayon, plano ka rin agawin ng anak n’ya mula sa mga anak ko. Pero, pangako, magbabago ako. Tatanggapin ko ang katotohanan na kailangan makisalo ng anak ni Sandy sa oras at atensyon mo na para lang sana sa mga anak ko.” Akmang sasakay na sya sa dala nyang kotse pero napaurong sya sa akmang pagpasok nya sa loob nang narinig nya ang boses ni Maureen. Napalingon sya dito. Namamasa ang nagsumamong titig nito sa kanya. Naikuyom nya ang mga kamao. Galit na galit s’ya pero kailangan n’yang kumalma, kaya mariin nyang naipikit ang mga mata sandali

