------- ***Third Person's POV*** - "Ano pong kailangan nyo sa akin Dr. Montreal?" Tanong ni Clinton sa ama ni Sandy, hindi nya inaasahan na pupuntahan sya nito. "My wife calls me kanina, he said that you already signed the annulment paper. Is it true?" "Oo. Malaya na si Sandy mula sa akin." Mabanaag ang matinding lungkot sa tinig nya. "Alam mo bang bata ka pa lang ay humahanga na ako sayo? Matapang at malakas ang loob mo. Kaya hindi ako makapaniwala na kay dali mo lang sumuko pagdating sa anak ko. Napakaduwag mo pagdating sa kanya. Tapatin mo nga ako, totoo mo ba talagang mahal ang anak ko?" Napakunot- noo sya. Bakit nagkaganito ang ama ni Sandy? "I truly love Sandy. I love her more than words can express. That's why I made the difficult decision to let her go. I care about her

