Introduction

1558 Words
Blurb: As they say, "Forcing love is like trying to grow a flower in the wrong season". No matter how much care and attention you lavished upon it, the flower would struggle, unable to thrive against the harshness of an inhospitable time. For a Love to bloom, like the flower, required the right season to truly flourish—one of warmth, patience, and natural harmony. Only then could it bloom in all its glory, vibrant and full of life. ------ Sanderella Yvaine Montreal "Sandy" one of the Montreal's princesses, anak ng isang bilyonaryo. Kaya nyang makuha ang halos lahat pero hindi naman nya inabuso ito. She remain a good daughter to her parents and sister to her younger brother. Being the oldest granddaughter of her grandparents, her grandparents shower her too with almost everything. But everything is nothing kung hindi nya makuha ang pinakagusto nya simula pa nung bata s'ya. Sandy was head over heels in love with her bestfriend's brother, Clinton, who is 10 years older than her. When she finds out that Clinton will be marrying his childhood sweetheart, she asked her parents that to be married with Clinton is what she wants for her 18th birthday. Being spoiled too much, her parents gave him what she wants and indeed, Clinton married her, dahil sa utang na loob nito sa mga magulang n'ya. Clinton is a good man and despite being forced to marry her, he did his best to be a good husband to her. Everything seems to be perfect and when her husband finally claimed her, she thought that he finally loves her. But she was wrong-- so wrong-- because from the start, Clinton already betrayed their marriage and cheated her with the woman he truly loves and even impregnated his mistress. At ang rason nito kung bakit nagawa nitong magtaksil sa kasal nila ay dahil sa mahirap kalabanin ang tukso lalo na pag nakisabay ang puso nito, he claimed that he loves his mistress and asked his freedom. Sandy who realized the consequences of his past action, did what she thinks is the best thing to do. Ang pakawalan si Clinton, kahit pa ipinagbubuntis na nya ang magiging anak nilang dalawa. She even wished him to be happy in life. After 5 years, Sandy came back para asikasuhin ang kasal nila ng fiancee n'ya pero nagulantang nalang ang masaya at tahimik na sana n'yang buhay nang nalaman n'ya na hindi pa pala s'ya pwedeng magpakasal sa iba dahil sa hindi pa pala annul ang kasal nila ng estranged husband n'ya. Later, she found herself navigating various twists and turns, enduring a series of dramas, as she retraced the path of the past just to secure the much-coveted signature of her estranged husband on their annulment papers—a husband who had no intention of letting her go. ---------- Introduction: - "Sandy, sabi ko na nga ba, nandito kalang. Kanina pa kita hinahanap." salubong sa kanya ng matalik nyang kaibigan na si Collette, Lenlen ang palayaw nito. Bestfriend na nya ito mula nung bata pa sila kahit minsan lang sila magkita nito. Malapit ito sa puso ng mommy nya kaya napalapit narin sya dito. Mas matanda lang ito sa kanya ng ilang buwan. Nakikitira ito sa mansyon ng pamilya nya dahil dito na kasi ito nag- aaral sa Manila. Pareho sila nito na nasa unang taon palang sa kolehiyo. Biology ang kursong kinuha nya, dahil plano nyang pumasok sa medical school at maging ganap na cardiologist pagdating ng araw. Gusto nyang tulungan yon mga taong may sakit sa puso. At bigyan din ng pag- asa ang mga ito na tulad sa kanya noon. She is a survivor. May sakit sya sa puso noon at muntikan na nga syang mamatay dahil dito pero may nag- donate sa kanya ng puso, kaya gusto nyang maging cardiologist. Iniidolo nya ang kanyang daddy Saven na isa naman surgeon. "Bakit?" kunot- noo sya. "Nand'yan na ang tita Safarra mo. Susukatan ka na raw nya." nagningning ang mga mata ng kaibigan. Idol na idol talaga nito ang tita Safarra nya, kaya nga fashion designing ang kursong kinuha nito. Pangarap nitong maging isang tanyag na fashion designer balang araw. Sandy will be turning 18 next week, at isang magarbong celebrasyon ang maging debut nya. Tanging prinsessa daw kasi sya ng daddy nya, kaya hindi ito papayag na simpleng selebrasyon lang ang debut nya. Sabay na silang naglakad ni Lenlen pabalik sa mansyon. Napahinto ito nang tumunog ang cellphone nito. "Hello!" agad nitong sagot sa tawag. "Ano na naman Prince? Hindi ako pwede ngayon. May gagawin ako." napataas ang kilay nya, panigurado ang pinsan nya ang kausap nito. " Fine....pupunta ako dyan! Basta 'yon kasunduan natin, wag mong kalimutan. Bye!"padabog na tinapos nito ang tawag. "Bakit?" takang tanong nito sa kanya nang taas kilay parin syang nakatingin dito. "Really? Si Prince pa talaga? I will remind you again my dearest bestfriend, mas madalas pang magpalit ng babae si Prince kaysa maligo. Mahal kita at ayaw kong saktan ka lang at gawin collection ng pinsan ko." Napatawa ito sa sinabi nya. "No worries my bestfriend, hindi ko type si Prince. Kaya lang naman ako nakipagkasundo sa kanya at pumayag na magpapanggap bilang girlfriend nya dahil sa pangako nya sa akin na tutulungan akong makakuha ng scholarship mula sa tita Safarra mo. Pangarap ko talaga ang makapag- aral ng designing sa Paris." "Yan lang ang reason mo? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Mas close kami ni tita Safarra, I can help you more than my playboy cousin do." Nahihiya itong napayuko. "Nahihiya kasi ako sayo." saka ito napaangat ng mukha sa kanya. "Don't worry, mataas ang standard ko sa lalaki, gusto ko ang katulad ng kuya Clinton ko, hindi lang guapo, gentleman pa. Habang si Prince naman, guapo lang pero mukhang gentleman lang sya sa mga collection nya na mga sport cars. Ang sama talaga ng ugali ng Prince na yon, sinabihan ba naman ako na safe daw sya sa akin, dahil never s'yang magkakagusto sa mga negra, gusto daw n'ya ang mga mapuputi at makiki----Hoy Sandy, nakikinig kaba sa akin?" "H- Ha! Ano nga 'yong sabi mo?" saka lang nya naalala si Lenlen. Lumilipad na naman kasi ang kanyang isip nang naalala ang kuya ni Lenlen na si Clinton. Talagang may lihim na s'yang pagsinta dito mula pa nung bata s'ya. At wala s'yang pakialam kahit sampung taon ang tanda nito sa kanya. "Wala." naiiling sa sabi nito. "Ang hirap kayang ulitin ng sinabi ko kanina. Tayo na nga, baka naiinip na ang tita mo." Humakbang sila muli pabalik sa mansyon. "Kumusta na pala ang kuya Clinton mo? kaswal n'yang tanong, hindi ipinahalata ang kanyang kilig. "Hindi ba s'ya pupunta sa debut ko?" Magiging ganap na s'yang dalaga. Pwede na n'yang aminin kay Clinton ang feelings n'ya dito. Sabi kasi ng daddy n'ya, hintayin muna n'ya na matapos ang debut n'ya, saka palang s'ya papayagan nito na magkaroon ng boyfriend. "Ewan ko. Alam mo naman na island boy 'yon. Halos ayaw nung na umalis sa Isla. Graduate naman yon ng engineering pero mas pinili parin nung na sa Isla manatili, at saka busy iyon sa paghahanda sa kasal n'ya." Napahinto s'ya, kaya napahinto din si Lenlen at napalingon sa kanya. "K- Kasal? Ikakasal na si Clinton?" naninikip ang dibdib n'ya sa nalaman. "Oo. Bakit?" kunot- noo ito. No! Hindi s'ya papayag na sa iba makasal si Clinton. Sabi ng daddy Saven n'ya, ibibigay daw nito sa kanya lahat ng gustuhin n'ya. Kaya hihilingin n'ya sa daddy n'ya na ikasal kay Clinton pagkatapos ng debut n'ya. Malaki ang utang na loob ni Clinton sa daddy n'ya. Ang daddy kasi n'ya ang nag- opera sa ama nina Lenlen at Clinton na libre lang, kaya hanggang ngayon buhay parin ang ama ng mga ito. Kaya, alam n'yang hindi makakatanggi ang kuya ni Lenlen kung ang daddy n'ya ang kakausap dito. Lihim s'yang napangiti. Mabait naman s'ya. Pero, isa s'yang Montreal. At possessive ang mga Montreal sa tingin nila ay kanila. And Clinton is her property. "Wala." umiling s'ya. "Pilitin mo naman ang kuya mo na dumalo sa debut ko. May sasabihin kasi sa kanya si daddy." "Okay. Alam mo naman na hindi iyon makakatanggi pag daddy mo na ang kakausap sa kanya." Matamis syang napangiti sa sinabi ni Lenlen. Tama, hindi makakatanggi si Clinton sa daddy at mommy n'ya kaya hihilingin n'ya sa mga magulang n'ya na ipakasal s'ya kay Clinton. -------- -------- Note: This book is contained of my Never Again Doulogy, na bahagi ng Montreal Property 2nd generation series ko. Hindi gaanong mahaba ang bawat stories dito na meron lang 40+ chapters. S1: To my Estranged Husband, Never Again! (Sandy and Clinton) S2: To my Secret Husband, Never Again! (Prince and Lenlen) - COPYRIGHT 2024 BY: sweetnanenz Reproduction or usage of this work in whole or in part in any form by any elecronic, mechanical, or other means, known or hereinafter invented, including printing and recording, or in any information storage or retrievel system, is forbidden without the permission from the author. All the characters in this book have no existence whatsoever outside the imagination of the author and have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any individual known or unknown to the author, and all the incidents are merely invention.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD