------- ***Sandy’s POV*** - Warning: 20% contain Mature Scene! - Sa bandang huli, hindi namin nakakasama si Lenlen sa pag- uwi kasi doon ito napasama kay Prince. Hindi ko maintindihan yong sinasabi ni Prince kanina kay Lenlen kaya napilitan sumama dito ang kaibigan ko. Pakiramdam ko, may sekreto ang dalawa na kinatatakutan ng sobra ni Lenlen. At ayaw nitong ma- reveal iyon. Ramdam ko din ang matinding galit ni Lenlen para kay Prince. May nangyari ba sa pagitan ng dalawa? “Is there something going on with my sister and your cousin?” tanong ni Clinton sa akin habang busy s’ya sa pagmamaneho. “I don’t know.” Kunot- noo kong sagot sa kanya. “Pakiramdam ko may itinago sa akin ang kapatid ko. Masyado syang malihim, pati nga sa kung sino ang nagpapaaral sa kanya sa Paris, hindi nya masa

