----- ***Sandy's POV*** - "Kung hindi totoo ang sinabi sa akin ng babaeng kaibigan n'yo, then, bakit kayo nagkahiwalay ni daddy? Kung hindi totoong iniwan mo s'ya, bakit kayo nagkahiwalay?" Napaurong ako. At napatitig sa anak ko. Babae? Sinong babae? At kaibigan ko daw? Wala akong maalala na kaibigan ko na hindi kilala ni Cloudy. Lahat ng masasabi kong kaibigan ay kilala ni Cloudy. At saka wala naman akong kaibigan na alam ang estorya naming dalawa ni Clinton, na alam kung sino ang ama ni Cloudy. "Kasalanan ko Cloudy." Napatingin ako sa pinto at nakita ko si Clinton na nakatayo sa may bungad nito, humakbang s'ya palapit sa aming dalawa ni Cloudy. "Ako ang nagkamali, walang kasalanan ang mommy mo. Wag mong sisihin ang mommy mo kung bakit sya umalis at hindi ka nya nagawang ipakilala s

