---------- ***Sandy's POV*** - Napaatras pa ang mga kaibigan ko nang humakbang ako na nakataas ang kamay na may hawak ng matalim na kutsilyo, saka ko ito ibinaon kay Clinton---- si Clinton sa paningin ko, pero ibinaon ko talaga ito sa gitnang bahagi ng chocolate cake na nasa mesa saka ako nag- slice dito. At kumuha ako ng isang piraso, inilagay ko sa platito ito at kumuha na rin ako ng tinidor saka ako kumain ng cake. Sunod- sunod ang subo ko dito. Pakiramdam ko nagutom ako bigla sa matinding galit na naramdaman ko. Mayamaya napatingin ako sa mga kasama ko dito sa dining. Awang labi silang nakatingin sa akin kaya napakunot ang noo ko. "May problema ba?" tanong ko sa mga ito. "Sandy, okay ka lang?" si Phoebe ang nagtanong sa akin. "Yes. Hindi ba pwedeng kumain? Gutom ako." At nap

