------- ***Sandy’s POV*** - Papasok na sana ako sa bahay pero napatigil ako nang narinig ko ang boses ni Joel. Agad akong napalingon sa kaibigan ko. kabababa lang nito mula sa isang tricycle na huminto sa labas ng gate. “Sandy, tulungan mo naman ako.” Anito sa akin. Humakbang naman agad ko palapit dito kasi madami itong dala. “Kainis talaga kayo! Iniwan nyo na naman ako. Kaya ang ending, ako na ang nagdala ng mga gamit natin dito. Ewan ko na lang sa inyo. Biglang- bigla na lang kayong nawawala.” Nagrereklamong sambit nito habang kinukuha ang mga gamit namin mula sa likuran na bahagi ng tricycle. Pero mayamaya, napahinto ito na parang may naalala, saka ito napatitig sa akin. “I’m sorry.” Hinging paumanhin nito, na parang may pagkakamali itong nagawa. “I don’t know what is going on sa

