----- ***Sandy's POV*** - "Bakit? Bakit Clinton? Bakit mo ako nagawang saktan? Nangako ka sa akin noon na hindi mo hahayaan ang kahit sino na saktan ako. Pero ikaw mismo ang nanakit sa akin." Hindi ko napigilan at basta nalang nanulas sa labi ko ang mga katagan ito. Hindi ko maintindihan na imbes ang nangyari sa aming dalawa ni Kaiser ang dahilan kaya nasasaktan ako ngayon, ang manumbalik ang isip ko sa nakaraan naming dalawa ni Clinton ang naging rason kung bakit parang sinasakal ako sa matinding sakit sa sandaling ito. "Naintindihan ko naman na galit ka sa akin dahil sa napilitan ka na pakasalan ako. Kaya tiniis ko ang lahat ng pananakit mo sa akin, lahat ng pagpaparamdam mo sa akin na mas mahalaga si Maureen sayo kaysa sa akin. I never complained, not even once, no matter how many

