Kael's POV "E-Eunice?" Tama ba ang nakikita ko? Si Eunice nga ba ito? Di naman ako na mamalik-mata diba? Nakita kong napatingin dito si Eunice at kita ko ang pagkagulat nito pero sandali lang iyon dahil ngumiti ito pagkatapos. "Si Eunice nga" Mica asawa ni Darren Cruz. Nakita kong tumayo ito at naglakad papunta sa amin. Ang ganda parin niya kahit 16 years na ang nakakalipas mukha parin itong bata. "Kumusta?" bati nito pagkalapit niya. "Ikaw ba yan Eunice?" Ethan asawa ni Ynna Miller. "*chuckle* oo naman" "Ang ganda mo pa din hanggang ngayon" Nathaniel o Nathan asawa ni Queeny Blair. "Thank you" Tumawag siya ng waiter at nagpalagay ng upuan sa dulo nito. Umupo ito at tumingin sa amin. "So, kumusta kayo?" Eunice. "Okey lang, ikaw? Sabi nung may ari sayo daw ito?" Linnette o Nette

