41

2703 Words
The night out came and he let me go but of course, my baon akong paalala mula sa kaniya. Hinayaan ko rin siyang ihatid ako papunta sa Magnifique bar para alam niya kung nasaan ako. Kung hindi lang talaga ako sinabihan ni Ate Noreen na bawal ang mga boyfriend ay baka isinama ko na rin si Levi. Kapag talaga iniwan ako ni Ate Noreen, uuwi na ako kay Levi! "Aya!" narinig kong sigaw ni Ate Noreen. The club is wild now but since Ate's voice is familiar to me, narinig ko agad siya. I smiled and walked towards them. I kissed her cheeks. Inilahad naman niya sa akin si Tali kaya nakipagbeso rin ako sa kaniya. Tali is Ate's bestfriend since High School at napasama lang ako sa kanila dati kaya medyo naging close kami ni Tali. Medyo close lang kami dahil hindi naman kami madalas magkita. I do not claim her as my friend. "Are you alone, Tali? Kayong dalawa lang?" I asked them. Silang dalawa lang kasi ang kasama ko sa couch. "No, I am with my brother. Remember him?" sagot ni Tali. My eyes widened a bit. Her brother? Akala ko ang kapatid niyang babae ang kasama niya. Sinabi ko pa naman kay Levi na wala kaming kasamang lalaki. Dapat pala tinanong ko muna kay Ate kung sila Tali lang ba! Oh well, the rule is just no boyfriends allowed. Hindi naman siya boyfriend ni Tali, kapatid niya 'yon, so basically, there is no broken rule. I smiled. "Uhm, yeah. I remember Rylan. Where is he?" She smiled too. "Wait, I will find him first. I'm sure, matutuwa siyang makita ang first love niya!" And she went off to find her brother. Nakatulala lang ako sa hindi malamang dahilan habang wala pa siya. Si Ate Noreen naman ay kumuha ng drinks. Oh right! I'm Rylan's first love. Sinabi niya sa 'kin iyon noon but since I did not have interest on anyone, I declined him pero matagal na 'yon. First year college pa lang ako noon. Siguro naman ay wala na iyon ngayon dahil hindi na rin naman kami nagkikita. He went abroad, I think? Dumating si Ate Noreen na may dalang mga bote ng wines. As in, marami iyon. Hindi naman ako masyadong mag-iinom kaya baka sila lang magpapakasing. God! If they will be wasted then who am I here? Tagabantay nila? Ayaw ko ngang magbantay ng lasing! "So, tell me, kayo na talaga ni Levi? Hay naku, magiging kayo rin naman pala tapos nanghingi ka pa sa akin ng advice. Shunga ka," panimulang puna ni Ate Noreen. I rolled my eyes. "Malay ko ba naman na gusto niya rin pala ako, Ate. We went to Paris and he confessed there. I like him as well, so, ayon..." "Aww. Sounds so romantic. Sa Paris pa talaga, huh? Sana all," maarteng saad niya. Tumawa ako pero natigil din nang dumating si Tali. She sat beside Ate Noreen while grinning at me. Lumingon ako sa lalaking nakatayo sa bandang tabi ko. Tristan Rylan Fajardo is dashing with his gray button down shirt and slacks. As far as I remember, he's not this tan but it fits his features. He's staring at me amazingly. Namamangha ang mga mata niya nang makita ako. I stood up to greet him. "Hi, Ryle. Long time no see." I smiled and extended my hand. Siguro kung ako yung dating Aya, hindi na ako mag-aabalang batiin pa siya. Imbes na tanggapin ang kamay ko ay niyakap niya ako nang mahigpit. Nagulat ako kaya hindi ako naka-react agad. I let him hugged me but I did not hug him back. Nanatili siyang ganoon ng ilang minuto bago kumalas. Gulat man pero hindi ko na pinahalata. I aam starting to feel uncomfortable, though. "I missed you, Aya. Long time no see nga. I haven't seen you for a quite long now." He surveyed my body. "You still look stunning, you know. How are you?" I sat down and he did too, beside me. Umusog pa akong bahagya sa banda ni Ate Noreen para makalayo sa kaniya pero umusog din siya palapit sa 'kin. I sighed. Why do I feel uncomfortable? Oh right, hindi nga pala alam ni Levi na may kasama kaming lalaki so I'm a bit nervous about it. I should tell him! "I'm doing just good. Ikaw?" I asked back. Nilabas ko ang phone ko para i-message sana si Levi. "Ito. Still busy so I didn't have time to move on to you. Funny, right? I'm still into my first love," he said, but I guess, he is just joking. Mula sa phone ko ay napa-angat ang tingin ko sa kaniya. I chuckled doubtfully. "What do you mean, Ryle? Taon na ang lumipas kaya imposible 'yang sinasabi mo." "Well, for me it's possible. I guess, we should have more time to catch up." Nilingon ko sila Ate Noreen at Tali, they're busy hunting a guy so they did not notice that I need help here. Well, hindi naman sa tinatakot ako ni Rylan pero kinakabahan talaga ako. Feeling ko, magkakasala ako sa boyfriend ko kapag pinagpatuloy ko pa ang sinasabi ko. Although, we are not doing anything wrong, but still! Napansin ata ni Ate Noreen ang pagtingin ko sa kanila kaya inalok niya ako ng shot, tinanggap ko iyon at agad na nilagok. Kumuha rin itong isang katabi ko ng shot niya at nakaladalawang lagok agad siya. Well, I think his alcohol tolerance is high so mababantayan niya pa 'tong dalawang babae kapag nalasing na. Uuwi na lang ako ng maaga. "Another one?" alok sa akin ni Rylan. Kanina pa siya nakatitig sa akin na nakakapagdagdag lang ng hindi ko pagka-kumportable sa kaniya. Hindi na lang ako nagsalita at tinanggap ang baso, hindi ko pa ininom. Naramdaman ko naman ang pagtayo nila Ate Noreen at Tali. Nataranta ako. Am I going to be left with Rylan? "Ate, where are you going?" Hinila ko sa kamay niya. "Dance while handsome hunting. You wanna come?" natatawang ani niya. Marami na bang nainom 'to? Parang saglit pa lang ata kami rito ah? Ang bilis naman niya! Umiling ako at hinayaan na lang sila. Mas okay na ako kasama si Rylan, mas mapapagkatiwalaan siya kaysa sa gagawin nila. "Ikaw na ang bahala kila Ate Noreen if ever na malasing sila, ah?" paalala ko kay Rylan. He sighed. "I guess that's the main reason why I'm here. Are you going home early?" I nodded. "How's your other sister? Tori?" "She's doing good, excelling on her chosen track. Hindi ba kayo nagkikita sa VillU?" Nilingon ko siya. Hindi ko alam na sa VillU nag-aaral ang youngest ng mga Fajardo. Si Ryle ang pinakamatanda at si Tali ang sumunod. Kaedad ni Ate si Tali at kaedad ko naman ang youngest nila, Tori. Rylan is way older than me, I guess for five or four years? Hindi nga lang halata dahil sa batang itsura niya. "I didn't know that. What's her course?" "Hmm, BA in photography?" he said in uncertainty. "Yeah, that." Tumango akong muli. I might see her one of these days then. Nakalinya rin pala siya sa course ni Levi, kaibahan nga lang, mukhang gustong maging photographer ni Tori. Arts is really a wide field. "Ikaw? You will be managing your hotels sooner or later. After my Master's... You can contact me if you want me to build your hotels." I smiled at him. Mukhang kakailanganin ko nga ng Engineer na katulad niya in the near future but Daddy knows some Engineers too like the Tys, so I don't really know by now. "I also want to become a flight attendant aside from that, Ryle. I want to try something new," I informed him, hindi na masama. We were friends, I guess. His mouth formed an 'o'. "Really? I'm excited for you." "Thanks," I said shortly. Uminom ulit ako ng isa pang shot and Rylan did the same. Umisa pa ng shot si Rylan pero mukhang wala naman siyang balak na magpakalasing. Luminga-linga ako para sana hanapin sila Ate Noreen pero naramdaman ko ang pagpatong ng braso ni Ryle sa backrest ng upuan ko. Para tuloy siyang naka-akbay kahit hindi naman. Tumuwid ako sa pagkakaupo ko para hindi madikit ang likod ko sa braso niya. Where the hell is Ate? "Aya, will you wait for me until my master's finished?" Napakunot ang noo ko. "What do you mean? Why do I have to wait for you?" "Narinig mo naman kanina diba? Gusto pa rin kita hanggang ngayon kaya- " "Ryle..." tawag ko sa kaniya dahil hindi ko na nagugustuhan kung saan mapupunta ang usapang ito. "I am not the one for you so stop wasting your time getting into me. Kaibigan kita at hangga't kaya ko, gusto kong manatili lang tayo sa ganoon. I do not like you that way." His eyes narrowed. May dumaan sa likod niya na waiter at may dalang malaking box kaya lumapit lang siya sa akin para hindi siya matamaan. Hindi ako naka-atras agad dahil sa gulat, kaunti na lang ata ang distansiya naming dalawa plus, nakahawak pa siya sa backrest ko. Mukhang wala naman siyang planong bumalik sa pwesto niya kanina kahit wala na yung waiter kaya aatras na sana ako pero kung minamalas ka nga naman... I heard a baritone voice calling me. "Ayannah..." Levi's voice. Naitulak ko bigla si Rylan. Lumingon ako kay Levi at agad siyang dinaluhan. He's already glaring menacingly at Rylan, but I poured his sight with my face. God! Bakit sa lahat ng oras, sa ganoong ayos niya pa kami naabutan? "Love!" tawag ko sa kaniya, nakangiti pero kabado. Tumingin din siya sa akin. He's not glaring at me, but I know that there's something on his eyes that telling me that he didn't want what he saw just a while ago. Hindi lang siya nagsasalita pero nakakunot ang noo niya sa akin. I sighed, I hope he understands if I explain everything to him. "Are you drunk?" he asked coldly. Napasinghap ako. "I think, not... yet. I only drank three shots and I told you, I don't have plans to be drunk." "So... You're not drunk?" dahan-dahan pero mariin ang tono niya. Umiling lang ako. Hindi na nagsalita. I'm not drunk, I know that but I think I know what he's thinking. I'm in my normal state pero hinayaan ko na lapitan ako ng ganoon ni Rylan. What should I do? Hindi ko naman alam na ganoon ang mangyayari. Well, ramdam ko lang naman yung iniisip niya kahit wala pa siyang sinasabi. Napasinghap din siya at mariing pumikit. "You're not still going home? Or mag-si-stay ka pa rito?" He glanced at Rylan again. Naiirita siya, alam ko 'yon. He is just controlling it. I know him, hindi siya basta-basta nagagalit. He's good at controlling himself from anything. I proved it already. His restraint is over the moon. "I want to go home na rin," I said softly. Feeling ko pag nag-stay pa ako rito ay baka maubos na ang natitira niyang pasensiya. He stared at me, nanunuri ang mga mata but then again, I smiled to show my sincerity. Ayaw kong maulit ang pagpayag niya na pumunta ako rito. "We can stay... If you will allow me to stay with you." Nabitin sa ere ang ngiti ko. "O-of course, Love..." nagtataka kong ani pero hindi na tumutol pa. Lumagpas muli ang tingin niya sa akin para tignan ang nasa likod ko. Humarap din tuloy ako kay Rylan na nakatayo na rin pala at nagtatakang pinapanood kaming dalawa. Levi wrapped his arms around my waist and pulled me closer to him in a protective and possessive manner. I pursed my lips to prevent myself from smiling. Nagseselos ba 'to? Akala ko iritable lang siya dahil akala niya lasing ako at maghahanap na naman ng first kiss. "Uhm..." tawag ko sa atensiyon ng dalawang nagsusukatan ng tingin. "Love, this is Rylan Fajardo, kapatid ni Tali and my friend too," pagpapakilala ko kay Rylan kaso nanatili lang ang walang emosyong titig niya rito at hindi na inabala pa ang sariling maglahad ng kamay sa kaharap. "... and Ryle, this is Levi, my boyfriend," I continued. Rylan tilted his head and stared at me too. Kung hindi lang tumikhim itong pintor sa likod ko ay hindi pa mapuputol ang titig ni Ryle sa akin. Bumaba ang tingin niya sa kamay ni Levi na nakapulupot sa akin tsaka tumawa. "I'm sorry, I was shocked. Aya, you didn't tell me that you have a boyfriend." He glanced at the man behind me again. "You didn't ask kasi and I was about to tell you but..." I trailed off. "Yeah right, I should ask first next time." He chuckled. "Sorry, bro. I tried to win your girl a while ago knowing that she doesn't have a boyfriend because I like her kaso meron pala. Nice to meet you, by the way." Kailangan pa ba niyang sabihin iyon? Dapat hindi na niya sinabi 'yon! Wala namang nagtanong. I smell trouble! "Stop calling me bro, you're not my brother," pabalang na sagot ni Levi. Naku, lagot ako lalo. "Oh, I'm sorry, Levi. What did you saw a while ago is just an accident. Nalapitan ko siya dahil may dumaan sa likod ko. Hindi lang naka-react si Aya dahil sa gulat, that's all," pag-explain ni Rylan. Kinindatan niya pa ako na sana hindi na lang niya ginawa. Ano ba 'to? Nang-aasar o naghahanap ng sakit ng katawan? "Tss..." Levi hissed. Humarap siya sa banda ko at bahagyang yumuko para mabulungan ako. "He f*cking like you." I giggled. "Don't worry about him. H'wag mo na lang pansinin." "This d*mn brute tried to win you, he's hitting on you, sinabi niya kanina. I can f*cking break his face once he does that again," mariing bulong niya pa rin. "Stop it," natatawang ani ko, hindi na napigilan. "For me, he's nothing compared to you so stop it, my jealous boyfriend." "He's annoying. Nakatitig pa sa'yo hanggang ngayon. Dukutin ko mata niyan," patuloy niya pa rin. Natatawa akong humarap sa kaniya at hinawakan ang mukha. I held his face to look at me, sumimangot siya nang makitang tinatawanan ko lang siya. Lalo lang akong natawa. Hindi ko alam kung bakit natutuwa ako kahit bakas ang iritasyon sa kaniya. Aba! Kabado lang ako kanina, ah? I piched his cheeks. "Cute mo." He pouted more. I tiptoed to give him a peck. Ang lalaking 'to, hindi man lang nagka-reaksiyon! "I said stop that. I love you, okay?" dagdag ko. Humihiling na sana sapat na ang sinabi ko para hindi na siya magselos. He crouched to give me a soft kiss. Medyo nagtagal iyon bago siya bumitaw ulit. Hell! Because of his jealousy, we just did a public display of affection lalo na sa harap mismo ng pinagseselosan niya. Great move, Velez! Great! "Alam mo? Umuwi na lang kaya tayo?" I suggested. He nodded. "If you really want that, then magpaalam ka na." Agad-agad kong hinarap si Rylan na nakaupo na at umiinom. Hindi na siya nanonood sa amin pero mukhang okay naman siya or tinatago niya lang? I don't know. Sabagay, sino ba namang baliw ang manonood kapag may naglalandian sa harap mo? Humakbang ako para lapitan siya pero ang pintor na 'to, ayaw akong bitawan. Pinatunayan na nga't lahat-lahat na girlfriend niya ako, seloso pa rin. I gave him a warning look. Mabuti at naintindihan naman niya kaya nakalapit ako kay Rylan. Humalukipkip si Levi at hindi na rin lumapit pa. "Ryle. Uh, I'm sorry for this pero ikaw na muna bahala kila Ate. Tell them that I went home na, baka hanapin ako, e," I informed him. "I'm really sorry if I didn't tell you that I have a boyfriend." "It's okay. My fault too. Tell me if you fight because of that, I'm willing to explain." Ngisi niya pa. I shook my head, saying that Levi isn't the type of man who will be mad for petty things pero hindi ko na isinatinig pa iyon. "Thank you for accompanying us. I'll go na." I smiled once again before turning around. Agad naman akong naglahad ng kamay kay Levi at hinawakan niya iyon habang lumalabas kami. Pag-uwi ay nag-dinner at natulog agad kami. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD