17

1687 Words
For the third time, he kissed me again. Na para bang hindi na mauulit, na para bang ito na huling beses na mahahawakan niya ako. The world turning is meaningless. All I can hear is my heartbeat. Inilapat ko ang kamay ko sa dibdib niya at tama ako, ganoon rin ang t***k ng puso niya, nangangarera. In those kisses, ramdam ko ang hinahanap kong paniniwala a pagintindi sa akin. I never experienced this before, not the kiss, but the feeling of being understand. He is believing like no one else did before. I like the feeling, and at this moment, I do not know how to stop. I could feel that he is the only one who can do it. He bit my lower lip before stopping the kiss, this time, lumayo na siya akin pero marahan niyang hinawakan ang kamay ko na nasa dibdib niya. He squeezed it a bit bago niya inilapag sa hita ko. Tinulungan niya akong igiya ang ulo sa back rest. "Now, I already claimed your first kiss, your second and even your third. I hope youa're satisfied now, pwede na ba kitang iuuwi… sa inyo?" ani niya habang inilalagay ang seatbelt ko. Nang lumayo siya ay tsaka lang ako nakatango. Tanging tango na lang ang maisasagot ko. Nang magsimula ng umandar ang kotse ay bumalik ang hilo ko. I closed my eyes because of sore. Ah! Alcohol! Marami-rami rin akong nainom kaya nasisiguro ko, lasing ako dahil hindi naman ako sanay uminom. Matitindi rin ang mga alak kanina kaya wala akong kawala. One thing's for sure, Alcohol is not good in our life. Damn it! Hindi-hindi na ako iinom ulit dahil pagkagising ko ay sobrang sakit ng ulo ko! Hindi ako makapag-isip ng maayos. My eyes are so hard to open. "Ah, Ayannah! What the f*ck did you do?!" I hissed to myself when I woke up the next morning in my room. Tinignan ko ang suot ko, nakapantulog na ako ngayon. Malinis na rin ang mukha ko at wala nang bahid ng make-up. Kaso yung paa ko, may paltos na pero may bandaid naman. Masakit iyon kahit isang gabi lang ako nagsuot ng stilletos. Anong ginawa ko kagabi? May ginawa ba akong masama Nakakahiya? Ano? D*mn it! I. Will. Never. Get. Drunk. Again. May pumasok na kasambahay sa kwarto ko at mukhang gulat pa dahil gising na ako. May dala siyang isang tray ng pagkain. Wala nga pala si Nanay Luz. So, sino ang nagpalit ng damit ko? Bakit ako nasa kwarto ko? Sino ang nagdala sa akin? "Ah, Tina. Alam mo ba kung sino ang naghatid sa akin kagabi rito?" tanong ko sa kasambahay. She smiled at me. "May naghatid po sa inyong matipunong lalaki kagabi pero hindi ko na po kasi kilala, e. Hindi na rin po siya pumasok sa loob ng bahay at pinabuhat ka na lang po kay Kuya Rolly, siya po ang nagdala sa inyo rito sa kwarto mo. Umalis rin po yung matipunong lalaki agad. Ako na rin po nagbihis sa inyo, Ma'am, pero mas mabuting maglinis pa po kayo ng katawan dahil damit lang po ang napalitan ko sa inyo." Si Levi! He probably knows what did I do last night! Siya ang inaya ko kagabi kaso bakit ganoon? Hindi ko maalalang dumating siya? Ah! Bakit naman ganito ang epekto sa akin ng alak? I totally forgot things last night because of alcohol! Masyado akong uminom ng napakaraming alak! I just nodded. "Thank you, Tina. Iwan mo na lang iyan diyan. Salamat ng marami." Naligo ako at paulit-ulit na kinikiskisan ang sarili. Wala namang masakit sa katawan ko at tanging ulo lang. I really hope that I did not do something horrible and embarrassing last night. I might kill myself if ever I did! After eating my breakfast in bed, I immediately grabbed my phone to call Levi. I want to ask him if I did really something embarassing that will change my life. Hindi ko alam pero kinakabahan ako, hindi ko mapindot ng maayos yung phone ko. What is happening to you, Aya? Nakailang ring pa bago niya sinagot ang tawag. "Good morning!" kinakabahang bati ko. Katahimikan ang bumalot sa kabilang linya. Wrong timing ba ang pagtawag ko? Natutulog pa ba siya? "Uhm, Lev?" tawag kong muli. [Morning...] his husky voice greeted me. My eyes widened a bit. He sounds very sleepy! "Ay sorry, nagising ba kita?" [It's okay, why did you call? Masakit ulo mo 'no?] may pag-iingat sa bawat salita niya at hindi ko alam kung bakit. I looked at the clock. 10:30 Am na, ah? Napuyat ba siya kagabi? Well, sabagay. Uminom kami at siguro late na nga nakauwi kung marami kaming nainom. "Of course, my head hurts but-" [Drink medicine for headache] he cut me off. I nodded and smiled even though he will no't see that. "I called because I just want to ask… Did I do something embarrassing last night? I really can't remember even a single thing, Lev." Matagal bago siya sumagot kaya tinignan ko pa kung on-call pa rin siya. Naroon pa rin naman siya, baka nakatulog lang siguro o ano. I was about to call him again but he answered. [Wala naman... Wala ka namang ginawang masama. I was… with you all along] he informed me slowly. I sighed as a sign of relief. "Thank, God! Lasing na lasing ako! Buti ikaw kasama ko..." I chuckled a bit but when I did not hear anything from him, I stopped. Nagtataka, naging ultra mega silent niya naman ata ngayon? "Are you tired? Sleepy? You may sleep peacefully now. Sorry for disturbing you this early… Also, sorry for the trouble last night and thank you for accompanying me." He did not answered so I just assumed that he is asleep again. Ibinaba ko na ang tawag at nakahinga na ako ng maluwag pero kahit ganunpaman, parang may nakabara sa puso ko. Ah, ewan. Bahala na. Hindi na kami nagkita pa ni Levi nang mga nagdaang araw dahil sa sobrang busy naming schedule. Wala ring magme-message sa aming dalawa so I assumed that we are both busy as damn. My routine for this moth is a cycle. Nakakapagod, nagsisimula na rin yung mga exams. The situation in our house did not change. Umuwi si Nanay Luz pero hindi ko sinabi sa kaniya ang nangyari sa amin ni Tita Donna dahil ayaw kong magaalala pa siya at madamay. Si Nanay Luz pa naman kapag nagaalala ay malala. I cannot count those sleepless night just to pass all my assessments and review for my upcoming exams. Kaso, hindi naman nakikita ng Daddy ko ang paghihirap at pagod ko sa pag-aaral. Walang kwenta yung pagpapagod dahil sira na ako sa kaniya. Sirang-sira na ako. Sinira ako ni Tita Donna sa kaniya. "This is your grades, right?" he asked me one night. Nasa office niya na ako ngayon at nakaupo sa harapan. I should not be scared because I know that I did not do something bad, and I did good in school. Matataas ang scores ko at pala-recite ako kaya imposible itong pinagsasabi ni Tita Donna. Kinuha ko ang envelope na naglalaman ng grades ko raw mula kay Daddy. I smiled bitterly. Gayang-gaya ang report card namin sa school. Sino kaya sa mga professors ko ang nabayaran para rito? Imposibleng mapeke sa ibang tao dahil ipinagbabawal iyon. Kahit ano talaga magagawa basta may pera, ano? "If you are believing that these are my grades, I have no opinion about that po," I just answered. Ang grades na ito ay purong tres, wala man lang pumasang-awa sa dos. Napakagaling. Napaka-impressive ni Tita Donna pagdating sa ganito. He sighed and stood up in front of me. Hindi ko siya matignan dahil parang may punyal na paulit-ulit na tumutusok sa dibdib ko kapag nababasa ko ang judgment sa mga mata ng sarili kong ama. Kahit sa boses niya ay nasasaktan akong marinig ang hindi tamang pagaakusa. "I do not want to believe, anak. Pero kung hindi mo itatanggi. What do you think I will do and believe? Inaamin mo ba na naging pabaya ka nga sa pagaaral mo? What is happening to you? I thought you are well to your studies?" My mouth twitched. Ayaw niya raw maniwala pero naniwala siya kay Tita Donna? Funny. "I'm very well to my studies, Dad. Kaso wala naman po akong magagawa kung hindi niyo po nakikita iyon. Wala naman po kayong nakikita na maski si Tita Donna ay hindi niyo po nababantayang maigi." Kahit anong pilit kong maging magalang, kapag galit ang nakakarinig, nagtutunog bastos talaga. "Lasing ka raw noong nakaraang linggo na umuwi ka rito sa bahay. What the hell is happening to you, Ayannah Miles? Sa tingin mo matutuwa ang Mommy mo sa pinaggagagawa mo? I can't help but to think that someone is being a bad influence to you. Sino ba yung lalaking nagpupunta raw dito?" Sino nagsabi sa kaniyang naglasing ako? Hindi ko alam. Pero walang kasalanan si Levi rito. Perhaps, I'm pretty sure that the maids are reporting to my Dad too. Hindi ko sila masisisi dahil parte rin iyon ng trabaho nila. "He has nothing to do with me po. Kung ano man yung nakikita niyo, labas po ang ibang tao roon," nasagot ko na lang. Ayaw kong mag-explain. Nakakapagod. Nakakatakot na baka hindi rin naman niya ako maintindihan. I can rely on my dad, but sometimes, I feel that I could not reach him. Parang ang layo-layo ni Daddy. This is what I hate being in a family. Sa sobrang busy ng mga magulang, nakakalimutan nilang kumustahin ang mga anak at dahil nasanay ang mga anak, bukod sa hindi na ito nagsasabi sa mga magulang, they will always say 'okay lang po' because no choice. Ayaw nilang makadagdag pa sa problema ng mga magulang nila. In my own case, I have the privilege of getting what I desire without suffering and shredding sweats but it is not what I truly want. Kulang ako sa pag-intindi ng magulang. At ako, bilang ako, kulang sa salita. It felts so hard to express my hardships and sorrows to my dad. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD