Chapter 14

3080 Words
Akesia's POV Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang malakas na boses ng manok na nasa bintana namin. Napangiwi ako nang maramdaman ang kirot sa pagitan ng aking hita. Animo'y binalibag ako sa sobrang sakit ng buo kong katawan! Agad akong napabangon nang sumagi sa aking isipan kung bakit ganito na lamang ang aking katawan! Mabilis kong ipinalibot ang aking paningin sa kabuuan ng aming k'warto. Maaga na?! s**t! Nakatulog ako kahapon! Bakit hindi niya ako ginising?! "Yesia!" kinakabahan kong sigaw habang papalabas ng k'warto. Baka nakita niya kami! O baka nakita kami ni Tiya! Patay ako! Bakit kasi ako natulog?! "Yesia!" ulit ko. "Nasa kusina ako, Ate!" Mabilis akong nagpunta sa kusina nang marinig ang boses niya. Nakangiti itong nagluluto habang nakapamaywang at hawak ang isang sandok ngunit mabilis na nagbago ang mukha sa pagtataka. Tiningnan niya ang aking kabuuan dahilan ng aking paglunok sa sariling laway. "Nakakita ka ba ng multo?" sabi niya sa akin. Nagkukumahog kong pinaglandas ang mga daliri sa aking buhok saka pinunasan ang panis na laway gamit ang braso. "May nakita ka ba kahapon?!" Napahawak ako sa aking bestida. Wala akong maalala na nagbihis ako pagkatapos namin gawin ang kababalaghang iyon! Binihisan niya kaya ako kahapon? "Tulog ka pa rin ba?" natatawa niyang wika. Tumikhim ako. Wala siyang nakita kahapon? Malakas akong bumuntonghininga sa naisip. "Ikaw, ha. Kayo na pala ni Kuya Edwin?" Umiwas ako ng tingin. "Dalaga na ang ate ko." Umikot ang aking mata sa kaniyang pagbibiro. Napailing ako at naupo sa harap ng lamesa. Hindi ko pinapahalata ang aking pagngiwi sa tuwing nararamdaman ang hapdi sa pagitan ng aking hita. Uminit ang aking pisngi nang maalala ang malakas naming pag-iisa! Nangyari talaga 'yon?! "N-Nasaan sina Tiya?" tanong ko sa kaniya, inaabala ang sarili sa pagsasandok ng kanin. "Nasa pasugalan ulit. Nasa school na si Mia." Tumaas ang aking kilay. Nakapambahay lang ito at medyo magulo pa ang buhok. "Wala akong pasok " agad niyang depensa habang naglalagay na ng kanin sa plato niya. Tumango lang ako at kumain. Dahil yata sa sobrang pagod ng ginawa niya sa akin, sobrang nagutom ako! "Gutom na gutom lang ate." Tumingin ako sa kaniya at umirap. Pagod ako kahapon, e! Naubusan yata ako ng maraming calories! "Sobra ba ang pagod mo kahapon?" Ibinagsak ko agad ang aking mata upang maiwasan ang paningin niya. Alam ko namang hindi tungkol sa nangyari sa amin ni Edwin ang tanong niya ngunit nag-guilty pa rin ako! "Nadatnan ko si Kuya Edwin kahapon. Inaayos ang gamit mo. Sabi niya nakatulog ka raw sa sobrang pagod. Baka inaabuso mo na ang katawan mo sa pagtatrabaho, Ate. Huwag mong pababayaan ang kalusugan mo." Tahimik lang akong tumango. "Buti na lang mabait si Kuya Edwin. Hinayaan ka lang matulog habang siya ay nagliligpit ng gamit mo," nakangiti niyang sabi sa akin. "Kailan naging kayo, Ate? Ang g'wapo-g'wapo ng boyfriend mo. Talaga bang kargador 'yon sa palengke? Saan mo ba siya napulot, Ate? Pupunta rin ako para magka-boyfriend din ako ng tulad niya." "Kahapon lang naging kami," sagot ko. Hindi ko naman napulot ang isang 'yon. Baka siya pa nga ang nakapulot sa akin! "Lumapit lang siya sa akin dati tapos tinulungan ako tapos 'yon." Nagkibit ako ng balita. Sumimangot ito at humalukipkip. "Ang ikli naman ng k'wento mo," aniya. "Alam mo ba? Buti nakauwi agad si Kuya Edwin kahapon. Baka pagfiestahan iyon ni Mia." Kumulo ang aking dugo sa kaniyang sinabi na malakas niyang ikinatawa. "Selosa ka pala. Hindi naman yata magpapa-agaw yata si Kuya Edwin, 'no?" Kumindat siya sa akin habang may malaking ngiti sa labi. "Akala ko hindi ka na magkaka-boyfriend at magtitinda na lang forever sa palengke." "May pangarap din ako, 'no." Pag-irap ko sa kaniya. "At saka nagka-boyfriend lang ako, magtatrabaho pa rin ako. Pagtataposin muna kita ng pag-aaral." Tumango siya at muling inilapit ang ulo sa akin. "P'wede namang mag-asawa ka habang pinapag-aral ako, Ate. Ang g'wapo kaya ni Kuya Edwin baka makawala pa sa iyo." "Kung magpapaagaw siya sa iba, 'e 'di sila ng dalawa!" inis na sabi ko ngunit parang lalo akong nagalit nang ma-imagine ko na may kasama siyang iba. Aba! Akin lang siya, 'no! "Hindi ko siya pipigilan kung aalis siya." Bahala siya sa buhay niya kapag may babae siya! Pero kung ayaw niya naman sa babaeng lumalandi sa kaniya. Ako ang sasabunot sa babaeng iyon! Bawal agawin ang boyfriend ko, 'no! "Tsaka na ako mag-aasawa kapag mayaman na tayo." "Naku, ang ate ko talaga." Lumapit ito sa akin at saka yumakap. "Nagdadalaga na ang Ate ko." Inis kong inilayo ang mukha niya sa akin. Mahina itong tumawa. "Si Kuya Edwin lang pala ang magpapasagot sa iyo, no. Ang daming lalaking nagkakagusto sa iyo. Siya lang pala. Magpaganda ka mamaya bago ka pumunta sa palengke. Para ma-inlove siya lalo sa iyo." Nanlaki ang mata ko. Mabilis na lumingon sa orasan na nakasabit sa taas. "Tanghali na pala! Yesia, hindi mo agad sinabi!" Mabilis akong tumayo at pumasok sa k'warto. "Tapusin mo muna ang pagkain mo, Ate." "Ilagay mo na lang sa baunan. Sa palengke na lang ako kakain!" sigaw ko habang kumukuha ng magandang bestida. Hindi ako nagpapaganda, ha?! Maganda na talaga ako! Muli akong napangiwi nang maramdaman ang kirot doon. Hindi ko na lang ipapahalata na masakit! May sa halimaw ang alaga ng lalaking iyon! Mabilis akong nag-ayos habang nakatingin sa salamin. Ngumuso ako sa aking sarili. Dati wala akong pakialam kung anong itsura ko kapag pumupunta sa palengke ngayon nag-iba na. Dahil lang sa kaniya. Napangiti ako nang maalala ang nangyari sa amin kahapon. Grabe ganoon pala 'yon! Masakit sa una pero masarap naman sa huli! "Kuya Edwin!" Nanlaki ang aking mata. Nandito siya?! Maganda na ba ako?! S'yempre maganda naman talaga ako! Anong gagawin ko?! Nakita niya ang lahat sa akin, Isang! Bakit ka pa nahihiya?! Huminga ako nang malalim upang maikalma ang sarili. "Ate Isang, nandito na ang boyfriend." Malakas na kumabog ang aking puso. Kalma Isang! Chill lang tayo! Rinig sa labas ang pagdadaldal ni Yesia kay Edwin. Tawa lang ang naririnig ko sa aking boyfriend. Tumikhim ako at binuksan ang pinto sa lumabas. Nakayuko ako dahil nahihiya ako! Ngayon ko lang nalaman na may hiya pala ako pagkatapos ng nangyari sa amin kahapon! "Hiya yarn…" panggugulo ng kapatid sa aking precious moment. Mabilis na nawala ang matalim na paningin ko sa aking kapatid nang makita ko sa gilid ng aking mata ang paglapit ni Edwin. Malaki ang ngiti nito sa akin pati ang kan'yang katawan malaki din. Lalo siyang gum'wapo sa aking paningin. Nakagat ko ang aking labi nang tumingin siya sa aking bestida. Hinawakan niya ang aking maliit na baywang saka hinalikan ako sa noo na ikinaestatwa ko. Tahimik na bumubungisngis ang aking kapatid, nanonood sa amin. "Good morning, mahal…" bulong nito. Tumayo ang aking balahibo. Bahagya ko siyang itinulak. "Ang lapit mo sa akin." Tumawa ito at mas lalo pang inilapit ang kaniyang katawan. Ramdam ang pag-init ng aking katawan sa kaniyang ginawa. Nakatingin ito sa aking reaksiyon na agad ikinaiwas ng aking mukha. Gusto na naman ba ng pempem ko! Jusko! Huwag muna ngayon! Masakit pa! Kawawa ang pempem ko!! "How's your sleep?" Inirapan ko ito na mahina niyang ikinatawa. "Ayos naman." Nagkibit ko ng balikat saka matalim siyang tiningnan nang maalala ang nangyari kahapon. "Hindi mo ako ginising kahapon." "Napagod ka, e," bulong niya rin. Palihim na itinataas-baba ang kaniyang kamay na nasa baywang ko. "Masakit ba?" "Siraulo ka!" Malakas ko siyang naitulak sa sobrang kaba dahil baka marinig kami ni Yesia! Tumingin ako sa kapatid ko na animo'y naiihi na nakaupo habang pinapanood pa rin kami. "Aalis na kami. Kailangan ko pang makapagbenta ng marami." "Ingat kayo," malisyo niyang wika. "Huwag kang lalapit ng sobra sa mga babae, Kuya Edwin. Selosa pala si Ate." Malakas na nagtawanan ang dalawa. Inirapan ko sila saka kinuha ang mga gamit ko. "'Yan na. Nagiging dragon na siya, Kuya Edwin." "Ang mukhang 'to?! Magiging dragon?!" Turo ko sa aking mukha. "Baka ang ibig mong sabihin mo dyosa!" "Magandang magandang dyosa…" pambobola ni Edwin sa akin. "Baka lumaki ang ulo ni Ate, Kuya Edwin." "Grabe ka. Marami rin kayang pumupuri sa ganda ko. Hindi lang siya." Turo ko sa katabi ko na nakataas na ang kilay habang nakatingin sa akin. "S'yempre mas gusto ko ang papuri mo sa akin. Boyfriend kita, e," mabilis na bawi ko. Seloso naman nito hihi. Napatingin ako sa hawak nitong paper bag na hindi ko napansin kanina pa. "Ano 'yan?" nagtatakang tanong ko. "Ow. Nalimutan ko. Its for you." Nakangiti niyang inabot iyon sa akin. Ang sweet niya naman. May regalo agad. Binuklat ko ang paper bag upang makita kung ano ang laman. Nagtataka kong kinuha iyon at inilabas. Agad na kumalat ang init sa aking mukha nang mapagtanto kung ano ang hawak ko! "Bagay na bagay sa iyo 'yan," nakangising sabi niya. Isang kulay pula na bestida. Mayroon pa sa loob noon. Ilang piraso pa yata ng bestida. Lalo akong namula nang maalala ang nangyari kahapon. Sinira lang naman niya ang bestida ko! Grabe! Naninira pala 'to ng bestida. "S-Salamat," ani ko sabay balik noon sa paper bag. Hindi inaalis nito ang kaniyang ngisi sa akin. Pilit ko namang iniiwas ang aking tingin sa kaniya. Binili niya talaga ako ng bestida. Akala ko nagbibiro lang siya. Nakangiti itong lumingon kay Yesia. "Aalis na kami ng ate mo, Yesia." "Ingat," aniya. Sabay kaming naglakad balabas ng bahay. Hawak niya pa rin ako sa baywang. Ang clingy niya talaga! Parang tatakbo ako, e. Sino bang tatakbo sa 'yo Edwin?! Kahit baliw hindi iyon tatakbo kapag katabi ka. "Nasuhulan mo agad ang kapatid ko, 'no?" Inirapan ko ito nang mapansin ang pagngisi niya. "S'yempre dapat malakas ako sa pamilya mo…" saka ako kinindatan. "Ang bait pati ng kapatid mo. Suotin ko bukas ang regalo ko sa iyo bestida, ha. Sigurong bagay sa iyo iyon." Pinaningkitan ko ito ng mata na malakas niyang ikinatawa. Tinaas niya nang bahagya ang kaniyang kamay habang nangingiting nakatingin sa akin. "Wala akong binabalak," tanggi niya. "Maybe?" "Ayaw ko na! Ang sakit pa ng pempem ko ngayon, 'no!" malakas siyang tumawa saka hinalikan ako sa labi. Buti na lang wala pang mga tao dito! Baka wala pang isang segundo kalat ang sa buong barangay ang paglalandian naming dalawa. "Next day na lang…" aniya. Nang-aabuso 'to, ah! "Ayoko nga!" inis na sabi ko. Nakangiti siyang tumango. "If you say so. I won't force you." Inirapan ko siya. Gusto ko din naman pero masakit pa talaga ang pempem ko. Tss. Siguro next day na lang ulit hihi. Napairap ako sa mga tsismosang inggitera habang pinapanood ang boyfriend ko na nagbubuhat ng mga gulay. Dumadaan ito sa harap ng pwesto ko upang dalhin ang mga gulay sa kabilang pamilihan. Hindi naman talaga dito ang daanan, e. Ewan ko ba kung anong nasa isip ni Edwin at dito dumadaan habang walang suot pang-itaas. Nakikita tuloy ang abs niya! Naglalaway na sa kaniya ang mga matatandang babae dito! Hindi naman yata nakikita iyon ni Edwin kasi tumitingin siya palagi sa aking puwesto. Nagngingitngit ang aking ngipin nang muling dumaan ito. Nanlalaki ang mata nilang nakatingin sa boyfriend ko. Padabog kong binagsak ang hawak kong itak at nakataas ang kilay ko silang tiningnan. Napatingin din sa akin si Edwin na nakangisi na pala. Ang lalaking 'to! Gusto yatang pinapanood ang katawan niya! Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa saka siya inirapan. Nakangisi niya akong nilampasan habang bitbit ang mga gulay. Nahuhulog ang mga pawis sa kaniyang dibdib pati likod na lalong nagdagdag ng kag'wapuhan niya. "Hoy! Boyfriend ko ang tinitingnan niyo!" sigaw ko sa kanila nang makalayo na si Edwin sa pwesto ko. "Tingin lang naman hindi naman namin inaagaw. Hmp!" Umirap ito ang matandang babae sa akin. "Bawal ang tingin. Bawal agawin." Muli kong kinuha ang aking itak saka padabog na hinati sa dalawa ang hawak kong isda. Agad naman silang napaayos ng upo. "Damot." Namumutlang tumalikod ito sa akin. Madamot talaga ako! Akin siya, e! "Bakod na bakod sa iyo si Edwin, Isang ah," pagsasalita ni Aling Pasing. Humalukipkip ako. Naiinis pa rin ako sa kanila. "Kung makatingin kasi sila sa boyfriend ko. Parang kakainin ng buhay si Edwin. Makapaglaway sila sa boyfriend ko parang wala ako dito. Tss." "Hindi naman magpapaagaw si Edwin. Naku! Tingin niya palang sa iyo. Parang ikaw lang ang nakikita niya." Mabilis akong lumingon kay Aling Pasing. "Talaga Aling Pasing?!" "Naku! Pinagmamasdan ko kayo habang nagtitinda. Kapag hindi ka nakatingin sa kaniya. Nakatitig siya sa iyo…" kinikilig na sabi niya. "Halata sa mata ng batang iyon na mahal ka niya, Isang. Swerte mo." Mataas ang noo kong itinabig ang aking buhok sa aking balikat. Wala na ang inis at selos. "Swerte din naman siya sa akin, Aling Pasing. Ang ganda ko kaya!" "Ikaw talaga ang hilig mong magbiro." Napasimangot ako sa kaniyang sinabi na malakas nitong ikinatawa. "Biro lang." Inirapan ko ito saka tumalikod sa kaniya. Ganda ng biro niya, ah! "Isang ko!" Natampal ko ang aking noo nang marinig si Tomas sa aking likod. Nakadipa ang dalawang kamay sa akin habang tumatakbo palapit sa kinaroroonan ko. Hindi niya pa ba alam na may boyfriend na ako? Kalat na iyon sa buong baryo. Mabilis kong hinarangan ang mukha niya gamit ang aking kamay kaya siya napatigil. "Ano na naman, Tomas?" Binaba ko ang aking kamay at humalukipkip ulit. Nakangiti niya akong tiningnan. "Ang ganda mo ngayon, Isang ko ah. Inspire ka na ba sa akin?" sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. "Araw araw naman akong maganda. May nagbago ba?" "May ipapagawa ka ba sa akin, Isang ko?" Iiling sana ako ngunit napatigil ako nang may humawak sa aking baywang. Lumingon ako dito at napasimangot nang makita ang madilim niyang mukha. "Hindi na kailangan. Ako na ang gagawa para sa kaniya." Nagtatakang tumingin si Tomas kay Edwin saka tumingin sa akin. "Boyfriend ko na." Turo ko sa katabi ko. Nanlaki ang kaniyang mata sa sinabi ko. Kita ang pagkalungkot doon ngunit agad niya iyong tinakpan ng ngiti. Nakaramdam ako ng awa. Wala akong magagawa dahil wala namna talaga akong nararamdamang kahit ano sa kaniya bukod sa pagiging magkaibigan. "Pasensya n—" "You don't need to say sorry, mahal," sabi ni Edwin, may kalakasan ang huling salitang binaggit. Bumagsak ang balikat ni Tomas sa narinig. Nalulungkot akong nakita siyang malungkot ngayon. Hindi ako sanay na nakasimangot siya. Araw-araw siyang nakangiti sa akin at laging masigla ang bungad sa akin. Lumingon si Edwin dito na may inis ang mukha. "Hindi mo na rin p'wede siyang tawaging 'Isang ko' 'cause she's already mine." Malungkot na ngumiti sa akin si Tomas at napakamot sa batok. "P'wede mo pa rin naman akong tawaging ganoon. Palayaw mo naman sa akin 'yon' e," sabi ko, hindi pinansin ang sinabi ni Edwin. Napatingin sa akin si Edwin na lalong dumilim ang mukha. Nakanguso akong tumingin sa kaniya. "Ayos lang naman sa akin." "But you're already mine." "Ayos lang Isang k—ayy ano pala ahm... Isang lang pala. Sige. Alis na ako." Bumagsak ang aking balikat at tumango sa kaniya. Nalungkot ako at nakaramdam ng awa. Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa papalayong likod niya. "Gusto mo siyang habulin? Habulin mo…" malamig na sabi ni Edwin na ikinataas ng kilay ko. "Bakit ko siya hahabulin? Hawak niya ba pera ko?" inis na sabi ko. "Parang gusto mong habulin at yakapin, e. At gusto mo pa ring tawagin ka niyang 'Isang ko'? Ha?" Umigting ang panga nito. "I'm your boyfriend. Sa akin ka lang. Bawal nang may tumawag sa iyo no'n." "Hindi naman kailangan n—" "Na what?" inis na sabi nito. Hindi niya ako pinatapos magsalita tapos magtatanong siya kung anong sasabihin ko! Umirap ako sa kaniya. "Hindi mo naman kasi kailangan na ipamukha sa kaniya na—" "Na boyfriend kita." Umirap akong muli. "Dapat lang na ipamukha ko sa kaniya 'yon. He like you…" may diin na sabi nito sa huling pangungusap. Hindi na lang ako nagsalita. Nakahalukipkip na nakatingin sa paninda kong isda. Parang ang harsh niya kasi kay Tomas! Bakit pati pinapahabol niya sa akin 'yon?! Mukha pa akong runner?! Ilang minuto akong hindi umimik. Kita sa gilid ng mata ko ang pagsulyap niya sa akin. Hindi ko siya tiningnan at hinayaan na lamang siyang magtinda sa paninda ko. Ginusto niya 'yan, e! Bahala siya! Naiinis pa rin ako sa ginawa niya! Rinig ang paghinga nito nang malalim saka lumapit sa akin. Iniwas ko ang aking mukha nang pilit niya akong tingnan sa mata. Pinakita ko talaga na inirapan ko siya ngayon! Galit ako, e! Ba't ba?!! "Sorry na, mahal…" malamyos at mababang ang boses nitong sabi. Hindi ko siya pinansin. Hinawakan nito ako sa baywang at bahagyang lumapit. Ang ilang tinderang mukhang isda ay nakatingin sa amin. Masama ko silang tiningnan na mabilis nilang ikinaiwas ng tingin. Matakot talaga kayo sa akin! Baka kayo madamay sa galit ko! Grrr! "Mahal ko, sorry na…" bulong niya sa akin sabay halik sa balikat ko. "Nagselos lang ako." Umirap ako sa kanya. Tinaas-baba niya ang kan'yang kamay na nasa baywang ko. Sa kaunti niyang ginawang iyon, mabilis na nawala ang galit ko sa kaniya. Marupok na ako! "Ikaw kasi! Ang harsh mo sa kan'ya. " "Sinabi ko lang naman na bawal ka na niyang tawaging ganoon." Tumingin ako rito na ikinatikom ng kaniyang bibig saka ngumuso. "I'm sorry, ok? Huwag na tayong mag-away. Pansinin mo na ako." "Hindi lang iyon. Bakit ka nakahubad habang dumadaan sa harapan ko aber?! Nagpapasikat ka ba sa mga tindera rito?" Ngumuso siya at muling hinalikan ang aking balikat. Tinabig ko iyon pero gusto ko rin naman. Kaunti na lang. Bibigay na ako sa kaniya. "Sa iyo ako nagpapasikat. " Tinaasan ko ng kilay. "Hindi sa kanila. Ayaw mo bang nakikita ang abs ko?" parang bata niyang sabi. "Pag si Tomas, gusto mo?" Humarap ako sa kaniya. Binanggit na naman niya si Tomas! Kasali ba siya sa relasiyon namin! Mas malaki nga ang katawan niya kaysa roon. Ngumuso ito sa akin. "Pinagsasabi mo dyan? Sa iyong abs lang ang gusto ko, 'no," inis na sabi ko. Ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat, hindi alintana ang nagsisilungunang tao sa amin. "Talaga, mahal?" malaking ngiti na sabi nito. Napangiti ako sa kacute-an niya. Rupok mo, Isang. "I love you, mahal." "Mayroon ka ba ngayon? Pabago-bago ang mood mo kaysa sa akin." Kahit nasa gitna kami ng palengke. Kahit sobrang daming dumadaan dito. Hindi niya iyon pinapansin. Wala din naman akong pakialam. Maiinggit na lang kayo! Tse!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD