Chapter 103 Alora’s Pov NAKAUWI na kami sa bahay pero nandito na naman si kuya Nix. Nakikipag inuman kay Hellion. Celebration daw dahil kasal na kami. Pinagbigyan ko na dahil hindi niya inaway si Hellion o inaasar man lang. Sumali din ako sa kanila pero hindi ako masyadong uminom ng alak. Pero si kuya lasing na. Paano ba naman kasi do’n pa lang sa bahay ni mama ay umiinom na siya. Si Hellion naman ay hindi pa dahil apat na shot pa naman. Kaya sigurado akong may lakas pa siya para mamaya sa gagawin ko. “Wag mong sasaktan ang kapatid ko ha!” Sabi ni kuya Nix na halatang lasing na. “Opo, kuya.” Sagot naman ng asawa ko. “Wag mong iiwan ha at ipagpapalit.” Saad na naman ng kuya ko kaya napangiwi ako. Lasing na talaga siya kaya halos hindi na niya masabi ng maayos ang sasabihin niya.

