Chapter 34 Alora’s Pov LUMABAS ang pamangkin ko at tinungo ang kwarto niya kaya heto ako nakasunod sa kanya. Hindi ako papayag na hindi kami magkaunawaan. Wala eh, nag jowa ako ng mas bata sa akin kaya kailangan ko siyang kausapin. Nang makapasok ako sa kwarto ni Hellion ay nagtaka ako dahil hindi ito lock at wala siya sa kwarto. Pero sigurado ako kanina na pumasok siya sa kwarto niya. Hindi naman pwedeng namalikmata lang ako. “Bakit wala siya dito?” Tanong ko pa sa sarili ko habang panay ang silip ko sa kwarto. Nakabukas din ang pintuan ng banyo pero wala naman akong narinig na ingay mula doon. Ngunit narinig kong sumara ang pinto ng room ni Hellion at may yumakap mula sa likod ko. Pamilyar ang amoy niya kaya hindi na ako nagulat. Hinayaan ko siyang yakapin niya ako. Napahawak a

