Chapter 47 Alora’s Pov NANDITO kami ni Hellion sa labas ng bahay at nag iihaw kami ng isda. Galing kami sa talipapa kanina sakay ay ang motor na nakita namin sa gilid ng bahay. Yun ang ginamit namin para makarating sa talipapa at bumili kami ng karne, manok, isda, gulay at prutas. Para talaga kaming mag asawa ni Hellion na namamalengke. Natutuwa ako sa ginagawa namin dahil para kaming nagbabahay bahayan. Gusto ko sana ang ganitong buhay. Simple lang, kahit ganito lang sana na bahay ay ayos lang sa akin basta kasama ko si Hellion. Kung pwede ko lang siyang makasama at hindi na umalis pa dito ay gugustuhin ko. Mag gagabi na kaya naghahanda na kami ng ulamin namin. Naisipan na lang namin na mag ihaw ng isda. Akala ko ay hindi marunong si Hellion pero nagulat ako dahil alam niya kung ano

