Chapter 105 Alora’s Pov NASA STORE ako ngayong araw na ‘to upang kamustahin naman ang mga tauhan ko. Hindi ko na sinama si Hellion dahil siya ang susundo sa anak namin sa school. Busy na busy ako ngayong araw dahil matagal din akong nawala. Ibinalita ko din sa mga staff ko na kasal na ako kaya todo bati sila sa akin. Yung isa nga ay tinutukso ako na blooming daw ako. Yun pala daw ay inlove na inlove ako. Napapangiti nalang ako sa mga pang aasar nila sa akin. Totoo naman kasing inlove na inlove ako sa asawa ko. Sino ba namang hindi. Natapos na din ang mga pinatahi ko kaya nakita ko na ang mga pinagpaguran kong design. Natuwa naman ako dahil kuhang kuha nila ang design na gusto ko. Hindi talaga ako nagsisisi na sila ang i-hire ko bilang mga mananahi ko. Hindi talaga nila pinabayaan an

