Chapter 38 Alora’s Pov PINANOOD KO ang pamangkin ko na naglalaro ng basketball. Halos maghiyawan ang mga tao dahil sunod-sunod na tira ang ginagawa ni Hellion. Ako naman ay hindi mapakali sa kinauupuan ko dahil sa t’wing pasok ang tira ni Hellion ay napapahiyaw ako na may kasamang palakpak. Nakukuha naman ng kalaban ang bola ngunit parang hangin si Hellion na bigla-bigla nalang sumusulpot at inaagaw ang bola saka niya shino-shoot. Hindi nga siya mahabol habol ng mga kalaban. Kung kanina ay lamang ang kalaban, ngayon tinambakan ni Hellion ang score. Masyado ng malayo at nasa 4th quarter na din. Hindi na talaga ako bumalik doon kay aye Ching dahil mas gusto ni Hellion na dito ako umupo. Panay pa naman ang lingon niya sa akin sa t’wing nakaka-shoot siya. Alam ko na ang tumatakbo sa is

