Chapter 112 Alora’s Pov MATAPOS ang pangungulit ni kuya kanina ay tinawagan ko agad si mama para sabihin na baka may karatehin si kuya kaya ihanda niya ang kanyang sarili kung sakali. Tawang tawa naman si mama dahil chinika ko sa kanya ang sinapit ni kuya. Hindi ko alam kung naaaliw ba siya na nabugbog ang itlog ni kuya. Sabi kasi ni mama ay hindi naman daw nagagamit ang itlog kaya mas mabuti daw na basagin na lang. Pati ako ay natatawa na lang din. Kinakabahan tuloy ako at baka mabalitaan ko na lamang na may lumulutang bangkay sa ilog. Wag naman sanang bugbugin masyado ni kuya kung bata. Napaka pasaway naman kasi. Sigurado akong bugbog din sa sermon si Mang Bentong dahil sa naiwan ang gate na nakabukas. Good luck nalang talaga kapag naabutan sa galit ni kuya ni Nix. Hapon na rin n

