Chapter 81 Alora’s Pov PAPUNTA ako sa boutique ko. May sarili na akong negosyo at ako talaga ang nag de-design ng mga bagong trendy na damit. Dinadala pa nga ang iba sa ibang malapit na Bayan. Ayaw kong maghangad ng malakihang kita. Ayos na ako na dito lang sikat ang design ko. Ayaw ko din naman kumalat dahil mas gusto ko ang tahimik na buhay. Maliit lang dati ang store ko. Hindi ko inaasahan na maraming tatangkilik kaya sabi ni kuya Nix ay palakihin daw ang store para hindi na masikip sa mga buyer. Pumayag naman ako since siya ang gagastos. Ganun talaga si kuya sa akin. Konting sabi ko lang ay agad niyang ginagawa. Siguro ay bumabawi siya dahil matagal din akong nawalay sa kanila ni mama. Sa totoo lang, hindi naman niya kailangan bumawi sa akin. Hindi naman kasi nila kasalanan n

