Chapter 53 Alora’s Pov NAKAUWI na ako sa bahay nila mommy kaya tuwang tuwa na naman ang mahal ko. Busy ako sa pamimigay sa mga pasalubong ko na binili ko lang din dito sa Maynila para hindi ako mahalata. Kailangan talaga may pasalubong kaya naisipan kong maghanap ng store kagabi. Nag search din ako ng pwedeng pasalubong na galing sa Palawan. Sa tingin ko naman at hindi nila mahahalata ang ginawa ko. Ang mahalaga lang naman ay may maibigay ko sa kanila. Nandito na naman si ate Ching kaya ang ingay ng bahay. Panay ang tawa din namin at nag aasaran na naman kaming dalawa. Kinukulit na naman kasi niya ako kaya wala na akong nagawa kundi ang sabayan ang kalokohan niya. Si Hellion naman ay nasa isahang upuan, nakaupo lang siya habang nakasuot ng headphone. Nagbabasa pa siya dahil may haw

