Chapter 109 Alora’s Pov NANGGAGALAITI si ate Ching habang nakatitig sa amin ni Hellion. Gusto kong matawa ngunit kailangan kong magseryoso dahil asar na asar ang dalawa sa akin. Kung wala lang siguro kami sa restaurant ay baka kanina pa nila ako sinigawan. “Anong kalokohan ‘to, Hellion? Bakit nandito ka sa probinsyang ito? Ang alam ko ay nasa Maynila ka.” Tanong ni ate Ching sa anak niya. “Dito na ako nakatira kasama ang asawa ko, mom.” Sagot ng asawa ko at hinawakan ang kamay ko at pinagsiklop ito. Napasunod ang tingin ni ate Ching sa kamay namin ni Hellion. “Aghh!! I can’t believe this, ninang! Tita niya ang babaeng yan. Maraming nakakaalam na ampon ng pamilya niyo ang babaeng yan kaya sigurado akong magtataka sila kung bakit asawa yan ng anak mo, ninang.” Sabi ni Lowela na halata

