Chapter 10 Alora’s Pov ILANG ARAW na akong umiiwas kay Hellion. Ang walangya kasi ay dito tumira muna sa bahay nila mommy at daddy. Hindi ko na inalam kung ano na naman ang dahilan niya. Bahala siya sa buhay niya. Ang mahalaga ay wag siyang makalapit sa akin. Nagtataka na siguro sila mommy kung bakit hindi ako sumasabay sa kanila t’wing kakain. Ang palusot ko na lang ay may ginagawa akong trabaho para lang hindi nila ako pilitin na sumabay kumain sa kanila. Ayaw ko kasing makita ang pamangkin ko. Baka masuka lang ako kapag kakain ako na katabi siya. Hanggang ngayon kasi ay tumatayo pa rin ang balahibo ko sa t’wing naaalala ko ang sinabi niya na mahal niya ako. Pilit ko na ngang kinakalimutan kaya isa sa paraan ko ay ang iwasan ang pamangkin ko. Yung plano ko kasing bumalik ng Paris a

