Chapter 101 Alora’s Pov UMAGA NGAYON at balak sana namin ni Hellion na pumunta kay mama. Ipapakilala ko kasi si Hellion sa kanya. Tumawag na din ako kay mama at ang sabi niya ay nasa bahay lang daw siya kaya doon kami tutungo. Nakabihis na ako pero si Hellion at Alonzo ay nasa banyo pa rin dahil naglalaro silang dalawa. Pinapaliguan kasi ni Hellion ang anak namin. Dati ay ako ang gumagawa no’n pero ngayon ay hindi na. Si Hellion na ang nag aasikaso sa anak namin. Bumabawi talaga siya sa anak namin at natutuwa ako kapag pinagmamasdan ko silang nagtatawanan. Nasa sala lang ako at katext ko ang kuya kong pangit. Ginugulo na naman niya ang buhay ko na hindi ko alam kung bakit. Balak daw niyang dalhin si Hellion sa hacienda niya kaya nag papaalam siya sa akin. Ayaw ko pumayag dahil alam

