Chapter 44 Alora’s Pov TUWANG TUWA ako dito sa tinutuluyan namin ni Hellion. Pagkatapos nga naming ayusin ang gamit namin ay naisipan na muna naming maglakad lakad sa dalampasigan. Bumalik lang kami sa bahay dahil medyo masakit na sa balat ang init ng araw. Naisipan ko na lang muna maligo dahil pawisan na kami ni Hellion kakalakad. Si Hellion naman ay nando’n sa sala at may inaayos siya. Kinuha ko ang pagkakataon na maligo ng payapa. Ang linis ng banyo nila kaya napangiti na din ako. Wala nga lang shower dito dahil ang ginagamit ay tabo. Pero okay na din, hindi naman ako maselan eh. Hindi naman ako maarte katulad ng iba. Naligo ako at ginamit ko ang mga ginagamit ko sa katawan na alam kong nagbibigay bango sa katawan ko. Gustong gusto ko talagang ginagamit ang mga product na ‘to dahi

