Chapter 66 Alora’s Pov BUSY si Hellion sa school dahil exam week niya. Nag aalala nga ako dahil hindi siya masyadong nag aaral dahil puro kaharutan lang ang alam niyang gawin. Pinapagalitan ko naman siya upang mag aral at mag focus pero dinadaan niya ako sa tampo kaya ang ending ay pinagbibigyan ko siya. Sana lang ay gumana ang sinasabi niyang stock knowledge. Ilang days din kasi ang absent niya. Minsan umuuwi siya ng maaga dahil bored daw siya at gusto daw niya akong makasama. Pinipilit ko naman siya na mag aral ng mabuti at wag niya akong isipin dahil nasa bahay lang naman ako at naghihintay sa kanya na umuwi. Ganito nga talaga kapag nag jowa ng mas bata sa akin. Dinadaan ako sa tampo, ako naman ay palagi siyang iniintindi. Ayaw ko kasing mag away kami at mawala siya lalo sa focus

