Chapter 50 Alora’s Pov ILANG ARAW na kaming nandito sa bahay na malapit sa dalampasigan. Lahat nalang yata ng gusto naming gawin ay ginagawa namin ni Hellion. Walang tigil niya akong inaangkin at hindi naman ako tumanggi. Gustong gusto ko din naman kaya bukaka kong bukaka naman ako. Tanghali ngayon kaya heto kami ni Hellion nagluluto ng pananghalian. Tulong kaming dalawa na nagluluto dahil bonding na namin ‘to. Hindi kasi namin ‘to nagagawa sa bahay ni mommy kaya susulitin namin na magkasama kaming dalawa na gumagawa ng pagkain. Kahit ang totoo ay hindi naman ako magaling magluto. Pero dahil kay Hellion ay natututo na din naman ako kahit papano. Menudo ang ulam namin at tumutulong ako kay Hellion maghiwa ng mga ilalagay sa menudo. Sinusubuan pa niya ako sa ginagawa niyang dessert.

