Chapter 1

1160 Words
Chapter 1 Alora’s Pov MASAYA akong bumangon sa kama dahil ngayong araw na ‘to ay flight ko papunta sa Pilipinas. Matagal na din akong nakatira dito sa Paris. Dito ako nagtatrabaho bilang fashion designer. Yun kasi talaga ang pangarap ko and I’m glad na naabot ko ang pangarap ko. Hindi ko magagawa yun kundi sa mga taong tumulong sa akin. Napabuti ng Diyos sa akin dahil ang umampon sa akin na mag asawa ay napakabait at talagang sinuportahan ang mga gusto ko sa buhay. Lumaki kasi ako sa bahay ampunan. Six years old ako nang ampunin ako ng mag asawang Cordova. Ako ang maswerteng napili nilang ampunin. Hindi ko pinagsisihan na sumama sa kanila dahil binigyan talaga nila ako ng magandang buhay. May business kasi ang pamilyang Cordova kaya nang sabihin kong gusto kong pumunta ng Paris ay hindi talaga sila nagdalawang isip na tulungan ako. Lahat ng kailangan ko ay binibigay nila ng walang alinlangan. May isa silang anak na babae. Si ate Ching na sobrang bait din sa akin. Mas matanda siya sa akin ng anim na taon. Tuwang tuwa ako dati dahil may ate na ako. Akala ko kasi ay magiging malungkot ako kapag inuwi ako sa bahay ng pamilyang Cordova. Pero nagkamali ako dahil may sweet at caring akong ate Ching. Ako nga pala si Maria Alora Cordova. 28 years old na ako pero wala parin sa isip ko na maghanap ng lalaking mamahalin. Cordova na din ang apelyido ko dahil nag official talaga ang pag ampon sa akin at pumayag ako sa gusto nila mommy at daddy at tinanggap ang apelyido nila. Alora ang gusto kong gamitin at yun din ang ginagamit ng mga nakakakilala sa akin. Mas bet daw kasi nilang tawagin akong Alora kaysa sa Maria dahil masyado na daw gamit ang pangalan na yun. Kaagad kong inayos ang kama dahil matagal akong mawawala dito sa apartment na ito. May three months kasi akong bakasyon sa Pilipinas. Alam na nila mommy at daddy pero si ate Ching ay hindi pa niya alam na uuwi ako. Excited na din kasi akong makita ang mga anak ni ate Ching lalo na’t may tatlo na siyang anak. Dalawang lalaki at isang babae. Ang huli ko kasing naabutan bago ako umalis ay ang panganay niyang anak na si Hellion. Pero bata pa siya no’n kaya sigurado akong hindi na ako naalala ng batang yun dahil sa tagal ko ng nanirahan dito sa Paris. Excited na akong makita ang pamilya ko. Hindi na ako makapaghintay na dumating ang oras ng flight ko. Sa totoo lang ay nong isang araw pa ako nakahanda. Nakaayos na din ang gamit ko pati na ang mga pasalubong ko sa kanila. Hindi nga ako sigurado sa gusto ng pamangkin kong si Hellion. Hindi ko kasi mahanap ang social media account niya para sana makita ko kung ano na ang itsura niya o katawan niya. Sinubukan kong tanungin ang ate Ching ko nang tumawag ako sa kaya nung nakaraan. Tinanong ko kung anong social media account ni Hellion pero bigo ako dahil hindi pala mahilig ang pamangkin ko sa mga ganung bagay. Hindi naman ako nagtanong sa ate Ching ko dahil sigurado akong magtatanong siya kung bakit ko hinihingi ang size ng anak niya. Mahahalata niya akong uuwi. Kaya naisip ko na baka pagdating ko nalang sa Maynila bibilhan ang pamangkin ko. Ang alam ko kasi ay 18 years old na siya. Sigurado akong iba na ang mga hilig niya. Hindi na laruan tulad ng binibili ng mommy niya dati. Nang maayos ko na ang kama ko ay naisipan ko na munang gumawa ng breakfast. May oras pa naman sa flight ko. Kumain na muna ako at uminom na din ng kape. Nag s-scroll din ako sa social media account ko, pampalipas oras. Habang ginagawa ko yun ay biglang may tumawag. Video call kaya natuwa ako. Si ate Ching ang tumatawag kaya mabilis kong sinagot ang tawag niya. Inilayo ko pa ng bahadya ang kamay ko upang makita ang mukha ko at makita niya din na nasa apartment ako. “Hi, ate Ching..” bati ko sa kanya with full energy pa. “Hello, bunso. Kumusta ka na dyan?” Taong ni ate. Napangiti ako dahil ang sweet talaga niya sa akin. “Ito, ate.. maganda pa rin ako.” Pagbibiro ko naman sa kanya kaya natawa siya. “Maganda ka naman talaga, matagal na. Pero wala ka nga lang jowa.” Pang aasar niya kaya napanguso ako. Siya naman ang tumawa ngayon. “Aray ha! Oo na, ako na ang single.” Sabi ko naman at kunwaring nasasaktan. May pasapo-sapo pa ako sa dibdib ko na kunwaring nasasaktan. “Sus.. maghanap ka na kasi ng lalaki. Ako nga ang aga-aga kong nag asawa diba! Tignan mo ang panganay ko para ko lang barkada.” Sabi pa niya kaya napangiti ako. “Wow, ate ha! Sa sinasabi mong maghanap ako ng lalaki ay parang ang dali-dali lang ah..” sarcastic kong sabi. “Paano kung makahanap ako ng lalaking magaling lang sa umpisa pero sa bandang huli ay nanakit pala,” wika ko kay ate Ching ko. “Oo nga naman. Pero ako nga nakahanap ng lalaking gwapo, mayaman at higit sa lahat mabait at hindi nanakit.” Aniya kaya napangisi na lamang ako habang naiiling na lang. “Sana all, ate Ching. Ako kasi wala pa akong mahanap. Siguro ay hindi pa pinapanganak ang para sa akin. Siguro ay nag ku-kulay pa dahil kindergarten pa.” Sabi ko na lamang kaya natawa ang ate ko. “Ano ka ba.. magiging sugar mommy ang itsura mo no’n. Wag na wag ka talagang papatol sa mas bata sayo, Alora. Mas maganda kung medyo mas matanda sayo kahit tatlong taon para siguradong maalagaan ka. Maniwala ka sa akin, mas masaya ang buhay kapag nakahanap ka ng lalaking ka same vibes mo.” Sabi ni ate Ching na binigyan pa ako ng payo. Wala pa talaga sa isip ko ang pag bo-boyfriend dahil pakiramdam ko ay hindi ko pa kailangan sa ngayon. Sobrang busy ko din kasi sa trabaho kaya wala akong time. Baka magpa baby lang sa akin ang lalaki eh ayaw ko pa naman no’n. Baka masapak ko lang talaga. Nagpaalam lang ako kay ate Ching at nagkunwari na may trabaho pa akong gagawin. Syempre, hindi ko sinabi sa kanya na uuwi ako ng Pilipinas. Tuloy talaga ang pang su-surprise ko sa kanya. Marami din akong pasalubong kay ate Ching. Pambabawi ko man lang sa pagiging mabuting ate niya sa akin kahit pa nga ampon lang ako. Kaagad akong nag ayos na ng matapos akong kumain ng breakfast. Hinugasan ko na din ang ginamit kong mug saka ako pumasok sa banyo upang makaligo na din dahil pupunta na ako sa airport. Excited na akong umuwi sa Pilipinas at makasama ang pamilya ko sa loob ng three months. Author's Note: Pa-add po sa library ninyo ang story para mag notif po bawat update. Salamat po.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD