Angela/Mavi Pov Isang satisfied na ngiti ang namutawi sa aking mga labi matapos kong sulyapan ang aking sarili sa harapan ng full-length mirror na nasa loob ng aking silid. Isang maganda, kaakit-akit at sopistakadang babae ang nakikita ng aking mga mata. Maganda ang pagkakaayos sa akin ng makeup artist na kinuha ni Mama Carmina para mag-ayos sa akin. Malayong-malayo na ang hitsura ko noon kung ikukumpara ko ngayon. Sinong mag-aakala na ang isang manang, nerd at mahiyaing babae noon ay siyang babae na nakikita ko ngayon sa salamin. Babaeng puno ng kumpiyansa sa sarili at tila palaban. Naudlot ang pagsipat ko sa aking sarili nang pumasok sa aking silid si Mama Carmina. Nakalarawan sa kanyang mukha ang labis na pagka-proud sa akin. "Ang ganda-ganda naman ng anak ko," nakangiting puri niya

