Naglalakad lang ako at sumusunod sa lalaking magtuturo sakin kung nasaan ang room X at hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako sa kaalamang nakasunod ang iba sakin. I mean sina Norren kasama si Dark at ang A-C students. Nakakainis lang dahil lahat ng istudyante ay nakatingin sakin at ayoko sa atensiyon ng kahit kanino. Hindi ako umimik ng makita ko ang isang malaking pinto at may nakalagay na room X. Ito na ba? Seryoso akong napatitig sa pinto ng buksan nung lalaking nagngangalang Titus ang pinto. Bumungad saakin ang malaking kwarto--- kung kwarto nga ba talaga ito. Para itong mansiyon at hindi kwarto. Pero kahit na ganoon dire-diretso akong pumasok sa loob at nakita ko sina Zero na seryosong nag-aayos ng mga gamit saka ako dinaanan at pumasok sa isang kwarto kung saan kulay itim ang pin

