Pumasok ako sa kusina at kinuha ang mga ingredients na gagamitin ko pero napangiwi ako dahil sa sobrang daming kulang na kailangan pang bilhin. beefsteak lang ata ang maluluto ko dito eh. Lumabas ako ng kusina at tinignan silang lahat na nagkakatuwaan. Tumikhim ako para maagaw ang atensiyon nila na nagawa ko naman. “Sinong pwedeng mautusan? Madami kasing kulang na ingredients” Sabi ko sakanila. Maya-maya ay nagpanggap sila na kunwari'y busy silang lahat. Sumama ang tingin ko at nagcross arm. “Ayos lang naman kung ayaw niyong bumili. Hindi naman ako ang gugutumin eh” Sabi ko atsaka akmang tatalikod ng tumakbo silang lahat palapit sakin. Jeez, hindi ako makapaniwala na ganito ang mga bampira. “Ano bang ipapabili mo? Kami na ang bahala doon, ilista mo na lang” Sabi ni Lina na sinag-ayunan n

