"Sir Bob, wait...", pinahinto ako ni Ma'am Korin sa pagku-kwento tungkol kay Czarina. Siguro na-bored siya kasi halos 15 minutes akong nagku-kwento tungkol kay Czarina.
"I think, hindi mo lang siya former student, e.", naka-hilig ang ulo n'ya sa sandalan ng upuan habang nakatitig lang sa aking mukha.
"Tingin ko, you have or having an affair.", napatingin na rin ako sa mga mata niya nung nasabi niya yun.
"Kasi the way you talked about her... isn't that obvious; you know. You care so much about her. Tell me. 'Wag kang mahiya, huli na kita.", may kaunting dismaya sa mukha niya habang nasasabi niya ang mga bagay na 'yun.
"Kailan kayo, naging kayo?", usisa ni Ma'am Korin.
"Alam mo nu'ng pumunta ka sa school para mag-ocular, tapos nabalda ka? Hinilot kita?", tinaasan lang niya 'ko ng kilay, ibig sabihin ituloy ko lang ang pagkuk'wento.
"Nu'ng gabing 'yun, inabangan niya 'ko sa school. Galing ako ng beer house then, sinalubong niya ako nu'ng papasok na ako ng school. Sabi niya nag-aaway mama't papa niya, kailangan n'ya lang ng matutuluyan sandali; kasi pinaalis siya ng mama n'ya talaga para lang sa gabing 'yun na naroon 'yung amain niya.", tsaka ako pinutol ni Korin.
"So, pinatuloy mo siya sa loob ng school? Bakit du'n ka natutulog sa loob ng school?"
"Pinayagan ako na doon matulog simula nu'ng naging custodian ako ng school."
"Ah, okay. So, 'dun sa bodega?"
"Hindi. May quarters ako sa ilalim ng hagdan. Maliit lang na space.", para kaming mag-asawang nag-aaway, may kataasan ang boses pero mahinahon pa rin naman. Civil.
"E, 'di natulog kayo magkatabi?"
"Oo!", maiksing sagot ko.
"E 'di may nangyari sa inyo?"
"Meron!", deretsahan ko ding sagot.
"Pinatulan mo?"
"Niyaya n'ya ko, e!"
"Whoah??", nabigla si Ma'am na biglang tumaas ang boses.
"Oo, totoo... Hinahandaan ko pa lang siya ng higaan niya, at balak ko sa labas matulog pero 'dun mismo sinabi n'ya na agad, gusto ko ng s*x! Gan'un mismo!"
"Kakaiba mga kabataan ngayon, 'no?"
"Hindi naman. Walang kakaiba sa kabataan ngayon. Kakaiba lang talaga siya."
"Hmmm... pinagtatanggol pa, a.", panunuya ni Ma'am Korin.
"Tingin ko, pareho kasi kami."
"Paanong pareho kayo?"
"Kung paano namin tratuhin kung anong ibig sabihin ng sex."
"What do you mean by that?"
"Para sa akin Ma'am; ang s*x ay parang 'greetings'. Gaya ng handshake kung nag-iintroduce tayo ng sarili o nagpapakilala sa ibang tao. Ganu'n ang tingin ko.", nakataas ang kilay ni Ma'am Korin habang sinasabi ko ang mga ito.
"Parang mga aso, para makilala nila ang isa't isa, nag-aamuyan sila ng genitals. 'Dun nalalaman nila kung maganda ang genes ng posibleng kapareha nila. 'Yung makaka-mate nila."
"E, tayo may morality, e...", si Ma'am Korin.
"That set us apart from animals... Tao tayo.", dugtong pa niya.
"Yes, totoo tao tayo. May higher intelligence tayo kumpara sa mga hayop pero, speaking of morality; sino ba ang nag-construct niyan? Kapwa lang natin tao. Social construct lang naman ang moralidad e. Bakit mali ang pakikipag-talik habang 'di pa kasal ang dalawang tao? Bakit iba ang suot ng tao kung siya ay nasa bahay, iba kapag nasa trabaho at iba kapag nagsu-swimming? Who sets all these rules? Alam mo, kahit sa education system e. Bakit sa classroom magkahiwalay ang babae at lalake sa seat plan? Bakit kailangan nakapalda ang mga babae at naka-pantalon ang mga lalake? We were conditioned! Pinatay nitong 1%, ang totoong purpose ng s****l union. s*x doesn't just give us that satisfaction, labasan tayo etsetera. Pero we also feed our souls by doing such! 'Yung i-describe nga nila na, kapag nagtatalik ay nakakapunta tayo sa ikapitong langit. Well, ginagawa nating katatawanan, pero totoo 'yun! Naga-ascend ang spirit natin into a higher frequency. Eto, sasabihin ko sa 'yo, Ma'am... Kapag naging active ka sa s*x; mababawasan yung mga prejudices mo towards other people. You will never ever judge people again by this way."
"Sakit mo naman magsalita! Por que't sagana ka sa s*x, Sir... ganyan ka sa akin, a!", sabay natawa si Ma'am Korin.
"Nage-gets kita. Siguro nga kasi, talagang naging aloof ako sa mga boys. Feeling ko, once they get what they want, they will just dump me like a used toy."
"Exactly. 'Yan--- Yan! Prejudice mo 'yan, mismo sa sarili mo. Kaya nga ang s*x, magbubukas 'yan ng bagong outlook ng dalawang tao. May madidiskubre sila. Pero s'yempre meron din kasing hindi naaabot yung level ng intimacy para masabing nag-s*x nga talaga sila. Kagaya ng mga actors sa mga porn movies. Do you think, it gives them the real experience?". hindi sumagot si Ma'am Korin talang nakikinig siya ta palagok lagok lang ng beer.
"E, kasi gumagamit sila ng s*x enhancer drugs. Ang totoong s*x mahirap i-facilitate. Kailangan ganado kayo pareho, meaning same level of frequency kayo. Kailangan i-set n'yo 'yun mood!!", may amats na ako at ginanahan ako maging bangka sa kaku-kwento. 'Di ko naalaala na itong si Ma'am Korin is actually hitting me started about a week na. Sa unang punta ko sa kanila dito, at hanggang sa ikatlong beses pa; at ito ang ikaapat na naririto kami sa place niya at sa totoo lang nagtataka ako kung bakit hindi ko siya magawang pagnasaan gaya ni Czarina at Rhoda. O, baka talagang naubos lang kay Czarina ang libog ko ngayong araw. Siguro umurong lang din ang bayag ko dahil iba kami ng mundo. Mayaman siya at sarili n'ya ang lahat ng nakikita kong karangyaan niya. Pwera pa 'yung yaman ng pamilya niya. Kaya nagtataka din ako bakit sa gubyerno siya nangangamuhan, at 'di na lang magtayo ng construction firm niya, o kaya magpatayo pa ng ibang condominium buildings.
"Ibig sabihin hindi tayo same frequency?"
"Oo. Tingin ko."
"Bakit kaya?"
"Maybe I'm blocking yours, o kaya ikaw mismo talagang nakakulong ang espiritu mo somewhere else. Parang past, or something. Trauma. Sabi mo nga 'di ba, hinahanap mo ang Papa mo sa mga lalake."
"Kinda like... standard parang ganu'n?"
"No, hindi naman standard. Kasi madali 'yan, e."
"E, ano...", biglang mababa na halos pabulong na boses ni Ma'am Korin.
"Feeling ko Ma'am... pareho tayong lalake. Ang lakas ng masculine energy mo. Intimidated ako sa 'yo. Parang kaya mo akong igupo into submission. Ganu'n ang feeling."
"So, lesbian ako?"
"No, hindi ganu'n. Ang spirit dalawa lang ang gender: masculine and feminine. Siguro naimpluwensiyahan ng pagmamahal mo sa papa mo ang gender ng spirit mo; na parang ginagaya mo na rin na siyang siya ka."
"Hehe", dugtong kong ngiti dahil napapansin kong wala na akong kwentang kausap.
"Sensya ka na, 'yung mga ganyan Mysticism, mga ganyan ang trip kong mga topic. Mga walang kabagay bagay."
"Okay lang, 'no, nalilibang naman ako. Gusto ko lang talaga makasama ka. Nawili na ako i-invite ka over here, kapag ganitong wala akong magawa. Ayaw ko naman lumabas, mag-party. At least iba naman."
"Ang importante kasi alam mo kung anong gusto mo. Kung anong hinahanap mo. Express yourself honestly."
"Am I not being honest enough?", napatingin ako sa kanya habang lumalagok ng beer. At nakataas ang kilay. 'Di ako makatugon sa kanya.
"I want sex.", si Korin.
"Bllluk", muntik ko nang mailuwa ang nasa bunganga ko. Tsaka ako nasamid samid.
Sa isip isip ko, patay tayo d'yan! Walang laman ang t**i ko. 'Di ko alam kung titigasan pa ako. Pero since nandito na tayo dapat may gawin ako.
"Okay.", sabay tingin ko sa kanya bigla ng matapos akong matagal na makapagmuni muni. Napaismid lang siya na nakataas ang kilay.
"Pero hayaan mong ako lang ang kumilos.", pag-ayon ko na sa kanyang pagkukumbida.
"Hmm...", habang umiinom siya at tumaas lang ang dalawang balikat bilang pagsabi n'ya ng "oo".
Pagkaubos namin ng aming hawak na lata ng beer ay nagsitayo na kami sa upuan. Sabi n'ya doon na kami sa kwarto. Pumunta lang sandali siya sa C.R, pagkatapos niya ay nag-C.R din ako. Tsaka ako kaswal na naglakad papunta sa loob ng kanyang kwarto. Mala-master bedroom, queen size bed. Parang hotel style room. May telepono sa isang corner table, magkabilaang lamp-shade. May 60 inches na flat TV sa wall nakaharap sa kama. Yung ilaw ay hindi ganoon ka liwanag. Para siyang liwanag ng buwan nung pumasok kaming dalawa.
"Lights on, Lights out?", tanong ni Ma'am Korin
"Lights on...", sagot ko.