Si Engineer... Take Two!

1866 Words
"Ouchh!! Ang sakit! Hindi ko na kaya... Ang sakit! Araay...", daing ni Engineer habang hinihillot ko ang kanang bukong bukong niya. Kanina kasi pabalik na kami nang bigla siyang tumumba. As in parang puno ng saging; talagang bumalda ang kanyang buong katawan. Bumaon yata ang takong niya kaya siya natisod at nabuwal. Sigurado 'yun dahil tanggal ang takong ng sapatos niya. Naisangga niya ang buong braso sa pagbagsak sa lupa, at talagang nadilaan ng dumi ang manggas at katawan niya. Hindi ko siya namalayang bumagsak at parang napako pa nga ako bago siya matulungan. Na-shock talaga ako. Nalabanan din niya ng kanyang sakong ang kanyang bigat bago bumagsak kaya pilay ang inabot niya. Doon pa lang ay sinabi kong 'wag muna niyang piliting tumayo at pakiramdaman kung kaya. Sabi nga niya nu'n ay black out daw talaga ang paningin niya. Tumakbo ako agad sa quarters ko nu'n at kumuha ng towel na pamunas. Tsaka ko pinunasan ang siko niya, pinagpagan ang manggas. "M-ma'am, sorry 'di kita namalayang natumba.", talagang nangangatal kong paghingi sa kanya ng tawad. "Sir, kasalanan ko. Nago-ocular ako ng naka-heels. O, 'di ba? Katangahan!! Okay lang..." "Kung kaya mo na'ng tumayo, Ma'am, alalayan kita hanggang du'n sa harap. Kung may kailangan ka; mefenamic acid, bibili ako. Tsaka may gasa at betadine du'n sa clinic kukunin ko.", pagaalala ko pa rin. "Sige wait lang. Damhin ko muna 'tong katangahan ko.", pumostura siya na akala mo nagpo-photoshoot, at tumawa. "Sige, itayo mo na ako.", nang sinabi niya 'yun ay pinasakay ko ang kanyang kili-kili sa aking leeg at inakap ko ang kanyang katawan. Nakaluhod ako nu'n saka ako bumilang para alam niya ang tiyempo ng pagtayo ko at pagunat naman niya ng tuhod. "Sir Bob, doon mo na lang ako dalhin sa bodega mo. Sa may supply room mo?", hiling niya. "Sige, Ma'am, may aircon naman du'n at sofa.", at dinala ko na nga siya hanggang du'n na may pagtigil kami makailang ulit dahil 'di raw talaga niya kaya ang sakit. Pero nadala ko pa rin naman siya. Inayos ko ang lahat padating namin du'n. Binuksan ang ilaw, ang aircon, pati air-purifier, at ng isang ground industrial fan at itinutok sa kanya 'yun. "Sir Bob, pasuyo, pakikuha na lang ng phone ko sa sasakyan.", iniabot niya ang susi at iminapa sa akin kung saan niya nilagay ang kanyang cellphone. Pagka-kuha ko ng cellphone sa kanyang sasakyan ay kumaripas muna ako sa aking hide out para isara ang pintuan. Baka mapasok ng pusa, ay mahirap na at doon pa dumumi. "Buti pala, ma'am, di mo dala 'tong cellphone mo kundi... basag", habang inaabot ko kay Engineer ang kanyang phone. "Oo, kung nagkataon nga.", tsaka niya chineck ang phone n'ya sandali at inilapag iyon sa tabi niya. Napansin naman niya akong nakatayo lang at na-fixate ang mata ko sa semento. "Huuy! Sir Bobby! 'Wag ka nang masyadong mag-alala, wala kang kasalanan!", napatingin ako sa kanya kaya lang talagang 'di ako mapakali. "Wala, naiisip ko pa rin 'yung pagkakabalda mo, Ma'am. Natakot talaga ako, promise! E, kasi... knock on woods, 'wag naman 'di ba... paano kung mas malala ang nangyari. Kargo ka ng school, Ma'am, at makakarating 'to sa opisina.", problema kasi talaga ito kaya nakapagsalita ako ng ganito. "Yaan mo na, sir hindi ko ilalagay sa incident report 'tong nangyari. Tsaka kasalanan ko, naka-heels nga ako habang nago-ocular... Malayo naman sa bituka 'to. Masyado kang nag-aalala. Basta relax ka lang diyan. Ipapahinga ko lang 'to siguro." "Gusto mo i-dressing ko 'yang mga galos mo, Ma'am? Tsaka 'yang sprain mo, hilutin ko para kahit paano umayos ayos ang pakiramdam mo." "Okay lang, Sir?", tumango lang ako tsaka sinimulan kong asikasuhin si Engineer. Sa may kanang siko at braso siya may galos na ginamitan ko muna ng q-tips para alisin ang mga visible na buhangin. Kung nakakatayo lang sana siya ay sa lababo ko na hihinawin ang sugat niya, pero ganun na lang ang ginawa ko. Mas safe ito dahil posibleng kontaminado ang tubig. Kaylangan lang naman i-sterilize ang mga open wounds, bago ito lagyan ng gasa. "Ayan ma'am, okay na. Wala ka na bang ibang galos?", usisa ko. "Ayan, Sir... 'yung tapilok ko.", "Patingin nga, Ma'am... Hubarin 'ko tong sapatos mo, ma'am a...", nakatingin lang siya sa paa n'ya at sa akin habang tinitingnan iyon. "Paga ang bukong bukong, Ma'am", pagkasabi ko nu'n ay ipinatong ko muna sa isang unan ng sofa ang paa niyang napilayan. Tsaka ako humanap ng mababang bangko sana na mauupuan. Pero wala akong mahanap. Kaya kutson na lang. Pahihigain ko si Ma'am Korin. "Ma'am, may kutson ako dito. Gusto mong humiga para makaunat ka? Para mahilot kita ng maayos?" "Oo, sir mas okay yan... Marunong kang manghilot?", namamangha si Ma'am. "Marunong ako, Ma'am. Natuto ako sa lola ko. Eto Ma'am, higa ka dito. Bagong palit naman ang cover nito.", pagkalatag ko nu'n ay nagkusa si Ma'am Korin na iayos ang sarili sa kutson. Nagkusa na siya kasi iiwasan lang naman niyang iapak yung injured niyang paa. Inalok ko siya ng unan na siya rin namang iniayos niya sa kanyang ulunan. "Ma'am, tiis lang. Tignan natin kung nabalian ka, o na-misalign ang sakong mo." "Ouchh!! Ang sakit! Hindi ko kaya... Ahhh!! Ang sakit! Araay...", at ayun na nga talagang natorture ko si Ma'am Korin para lang talaga alamin kung may fracture siya, mis-aligned ang sakong, o talagang namamaga lang dahil bahagyang napilas ang cartilage ng bukong bukong niya. Pero mukhang somewhere ay naipit ang ugat niya dahil ayaw magsubside ng pamamaga. At parang gumagapang na rin ang maga sa buo niyang binti. Medyo nakakahiya man ay talagang naglakas loob akong sabihin iyon kay Ma'am Korin. "Ma'am naipitan ka ng ugat. Ayan o, gumagapang na pataas 'tong maga mo." "Ay, paano 'yan?", nagaalalang tanong ni Ma'am. At siyang makikita rin sa kanyang mukha. "Ma'am kung kaya mong maghubad ng pantalon mo. Kaya kong i-address kung saan ka naipitan. Or, seek na tayo ng medical help. Hihingi ako ng saklolo kay Kapitan." "Ay, 'wag na! Ayaw ko na'ng ganu'ng eksena. May tiwala ako sa iyo. Sige, go!!!" "O, sige... Paki-ano na lang.", at kinalas niya ang butones ng jeans niya at ibinaba ang zipper. Ibinaba niya ang pantalon hanggang sa lampas lang ng kaunti ng singit at nagpatay malisya ako na hinatak iyon ng dahan dahan. Kunwari wala akong kahit anumang nararamdaman. Nahirapan akong alisin 'yun sa paanan niya dahil sa pamamaga ng isa niyang paa hanggang binti. Kaya sikapin ko mang 'wag tumingin ay nakita ko si Ma'am Korin na naka-Brazilian underwear. Kumikisnot ang alaga ko sa tuwing rerehistro 'yun sa aking mata. Lalo na nu'ng naamoy ko ang feminine wash n'ya, ay talagang tinatagan ko na lang ang aking sarili. Junior behave!!! "Maga na itong binti mo, Ma'am. Nakakaramdam ka ng pamamanhid dito?", pinisil pisil ko ang kanyang kanang binti. "Oo, manhid na nga yang binti ko.", habang ipinatong ko iyon sa aking hita habang nakaluhod ako. "Ma'am, may mga adjustment akong gagawin, 'wag kang matatakot... Maglalagutukan talaga mga buto mo.", at sinimulan ko ang pag-ikot ikot sa kanyang tuhod. Maaaring doon lang ang ipit ng kanyang ugat, pero in-overhaul ko na si Ma'am Korin ng nalalaman kong chiropractic! Ang prinsipiyo ng chiropractic treatment ay dapat maiposisyon mo sa orihinal na ayos ang dugtungan ng mga buto. Ang mga pagpihit at pagpapalagutok ng mga buto ay ilan sa mga paraan para bahagyang maghiwalay ang mga ito, at kung anumang ugat na nakaipit doon ay malaalis sa ganoong posisyon. Isinunod ko ang kanyang singit. Nag-concentrate lang ako sa ginagawa ko para hindi siya mailang at baka isipin niyang nagte-take advantage lang ako sa kanya. "Ma'am i-stretching kita banda rito, itinungtong ko ang kaliwang hintuturo ko sa kanang balakang niya. "Ibubukaka kita tapos tutukuran ko ng tuhod ko itong likod mo. Madali sana ito kung may kasama ako, pero ito 'yung technique pag isang tao lang ang gagawa." "Sige lang, Sir... Hindi naman pala ganu'n kasakit. Nagugulat lang ako sa lagutok. Grabe ang lakas.", inilagay ko yung isang unan at ipinatong ko sa harapan niya para hindi siya masilipan. Saka ko ihinanda ang pagbanat ko ng buto niya sa bahaging iyon. Isinalubong kong bigla ang tuhod ko habang kontra kong hinila papunta sa akin ang kanyang hita. "Tok!" "Ahhhhh....", napasigaw na lang si Ma'am Korin. "Okay, Ma'am pahinga", tsaka ko inunat ang kanyang binti pagka-banat ko. Napatakip siya ng mukha. Akala ko tuloy umiiyak. "Haaaay..... Grabe! Nagulat ako.", sa mataas na boses ni Ma'am. "Nasaktan ka, Ma'am?", usisa ko. "Hindi. Nagugulat lang ako pag pumuputok. Akala ko maghihiwalay ang buto ko. Okay pala... Sa'n mo natutunan 'yan?" "May NCII ako, Physical Therapy. Pero 'yun more on muscle. Mga kala-kalamnan. Massage talaga tsaka stretching. Tapos, nu'ng may pumuntang mga chiropractic therapist dito sa Pilipinas galing sa ibang bansa, umattend ako nu'n. 3 days workshop, sa may Diamond Hotel. Sixteen thousand bayad ko para du'n. Pero sulit kasi may certification na ako ng skill bilang chiropractor. Kapag medyo nakaipon ipon, ia-update ko National Certificate ko, para certified na chiropractor na 'ko." "Ah, ang galing naman, Sir Bob!" "O, ayan Ma'am, nawala na 'yung maga. Dito sigurado ang ipit ng ugat mo kanina.", inangat ko uli ang binti niya at itinuro sa kanya kung saan siya posibleng naipitan. Marami kaming napagusapan tungkol sa chiropractic treatment. "Oo nga, ngayon nawala na." "Pahinga ka muna sandali, Ma'am. Pakiramdaman mo muna; wag kang tatayo agad kasi maa-out of balance ka, parang drowsy. 'Yan ang reaction ng katawan natin sa pain--- endorphin. Isinusuot ko na sa kanya 'yung pantalon n'ya kaya lang huli na ng napansin ko na, mas hindi ko dapat 'yun ginagawa. "Ay, sorry Ma'am! Hindi ko sadya, talagang ganito ang kilos ko kapag nag-aasikaso ako ng pasyente. Pasensya na." "Okay... Okay lang. Ako na.", lumabas ako para magawa niya ng maayos ang pagaayos ng pantalon niya. Naupo na lang ako sa labas. Hintayin ko na lang siyang kusang bumangon at lumabas ng bodega. Nang makita ko siyang nakatayo na at nakalakad na palabas sa bungad ng pinto ng bodega ay pinuntahan ko agad siya at pinakapit siya sa aking braso. Kumapit naman siya pero, hindi na siya alangan na lumakad ng normal. "Okay na, Sir Bobby. Parang wala lang...", nangingiti na sabi ni Ma'am Korin. "Wala kang pamalit sa sapatos mo?" "May tsinelas ako sa sasakyan. Du'n na ako magpapalit." Ihinatid ko siya hanggang sa sasakyan niya. Marahan siyang lumakad at panay ang sabi na "Okay na", 'wag na siyang alalahanin. Pero sinabayan ko pa rin baka 'ka 'ko matumba ka, para sigurado lang. "Ma'am, kapag bigla kang nakaramdam ng hilo ipahinga mo kaysa mag-drive ka." "Oo. 'Wag kang mag-alala parang naka-recover na rin naman ako.", habang nakatingin siya sa kanyang cellphone. "Ay, Sir Bobby, kunin ko kaya number mo. Bigay mo sa 'kin para sa follow up ng ocular ko. Kapag lumakas 'yung ulan, miski hindi na ako pumunta; tatawag ako then sabihin mo sa akin kung malakas ba yung tagas sa gymnasium." "Ay, oo, Ma'am mas okay nga 'yun." Maya maya pa ay nakasibat na rin si Ma'am. Nakaraos din. Simula noon walang oras na di ko inalala 'yung mga sandaling nakikita kong naka-panty lang si Ma'am Korin. Sa isip isip ko, Tang-ina! Matikman ko kaya si Ma'am?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD