Chapter 37 Worry equates danger Suzy I tried to contact Mervin, Marvin, and even Andrea. Kahit nga si Devin na boyfriend ni Andrea ay tinawagan ko na pero ni isa sa kanilang lahat ay walang sumasagot. Hindi ko alam kung bakit pero wala naman akong magawa kahit na magalit o mainis pa ako ngayon. Ang tanging magagawa ko na lang ay ang pumunta mismo sa bahay ng mga Narvaez. Of course, I know where he lives by now. Ang kinatatakot ko na lang ay ang katotohanang pugad iyon ng mga taong nagiging lobo at pupunta ako doon nang walang kahit anong sandata upang iligtas ang sarili ko. Hindi naman sa malalagay ang panganib ko kapag pumunta ako pero mas ayos na rin ang nag-iingat. Una, hindi ako sigurado kung nandoon nga ba ang kambal o si Andrea para ipaalam na isa akong mabait na tao. Ikalawa

