Chapter 30

1941 Words

30 Suzy "Bad news, Luis is dead." Halos mahigit ko ang hininga ko dahil sa sinabi ni Mervin. Sobrang seryoso ng mukha niya at ramdam ko ang galit sa loob niya. Napatulala ako sa kawalan habang nakaupo kami pareho sa bakanteng bench sa labas ng school. Marami ang mga estudyante na naglalakad, naglalaro at nagtatawanan pero para bang nasapawan ng bigat ng paligid namin ang lahat ng iyon. Hindi ako makapaniwala. Parang kailan lang ay kasama pa namin siya at nakausap. Ikinulong siyang muli sa kwartong iyon pero paano siya namatay? Sino ang pumatay sa kaniya? "Sino..." Lumunok muna ako. Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin. "Sino ang pumatay sa kaniya?" "Who knows. Hindi siya sa teritoryo namin namatay. Nakawala siya bago siya pinatay kaya hindi namin alam kung sino ang gumawa n’on."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD