Chapter 47 Eye of the storm Suzy For the next destinations, I tried so hard to focus on enjoying myself with my friends. Kahit na paminsan-minsan ay naaalala ko sina Marvin at Mervin bago sila umalis ay hindi ko iyon ginawang dahilan para hindi ako mag-enjoy. Sumama ako sa trip na ito para mag-enjoy, lumayo sa schoolworks, exams, and deadlines, most especially ay sa kahit anong patungkol sa pagigiging werewolf ng kambal. I am not sure if it has something to do with it. Pero ayon sa reaksyon nila kanina ay hindi malayong iyon nga ang dahilan. Pwede naman nilang sabihin sa ‘min in case human stuff lang naman ang dahilan. And by the looks at Mervins’s face, alam kong may panibago na naman silang kailangan alalahanin matapos ng lahat ng nangyari. Hindi ko alam kung lagi bang ganito ang

