|CHAPTER THIRTY NINE| ILANG ARAW ang lumipas at tinupad nga ni Alexander ang pangako nito ulit saakin. Naging masaya ang mga araw namin at paulit-ulit rin na nag-isa ang aming mga katawan. Bumalik na ulit kami sa bahay nito. Ilang ulit din niya akong pinapasyal na mas lalong nagpatunaw ng puso ko at nagpainit nito. "Hey love. What are you thinking?" Napabaling ako kay Alexander nang lumapit ito saakin sa may kama at tumabi. "Iniisip ko lang 'yong mga nangyari saatin sa mga nagdaang araw." Sagot ko sa kaniya sabay ngiti. Mas lalo siyang lumapit saakin at ngumiti rin. "Are you happy?" Tanong niya. Walang atubili akong tumango. "Sobra." Sagot ko na mas nagpangisi sa kaniya. "Me too. I'm very happy na magkasama na ulit tayo at tinanggap mo muli ako." Turan nito at isiniksik ang kaniya

